IN GOD WE TRUST

Miller Jaxen 'GenTri Gem'Glua ng Pilipinas, Kampeon sa Korea Int'l.Chessfest Festival' U12-Rapid

NIRAPIDO ng Batang Pilipino ang mga kalaban sa Incheon,South Korea nitong weekend lamang .

SPORTS

DANNY SIMON

11/10/20262 min read

NIRAPIDO ng Batang Pilipino ang mga kalaban sa Incheon,South Korea nitong weekend lamang.

Ang 12-anyos na pambatong Pinoy na manlalaro ng ahedres na si 'Gentri Gem'Miller Jaxen Glua ay patuloy na nagpapakita ng kanyang pambihirang galing sa pandaigdigang entablado.

Si Glua, na ipinagmamalaki ng Lungsod ng General Trias, Cavite, ay dominado ang kategoryang Rapid Youth U-12 ng 1st Korea Chess Festival na ginanap sa Holiday Inn Incheon Songdo, Timog Korea.

Siya ay kasalukuyang itinuturing na isa sa mga pinakamahuhusay na batang manlalaro ng ahedres sa Pilipinas.

Si Glua, mag-aaral sa Ika-anim na Baitang ng John Isabel Learning Center, ay nakapagtala ng 6 na puntos sa 7 laro — kapareho ng nakuhang puntos ni Yijoon Kang ng Timog Korea. Ngunit matapos ang pagbilang ng tie-break points, nakuha ni Glua ang unang puwesto at gintong medalya, habang si Kang naman ay nakakuha ng ikalawang puwesto at pilak na medalya. Ikatlo naman si Siwoo Park ng Timog Korea na may 5.5 puntos at tansong medalya.

"Binabati kita, Miller Jaxen Glua, sa pagkapanalo sa 1st place ng Rapid Youth Under-12 sa 1st Korea Chess Festival. Ang iyong determinasyon, disiplina, pagpokus, at pagsisikap ang nagdala sa iyo sa tagumpay na ito. Ang iyong dedikasyon at talino sa paglalaro ay tunay na kahanga-hanga," pahayag ni General Trias City Mayor Luis "Jon-Jon" Alandy Ferrer IV, na kilala rin bilang "Godfather of Chess" sa Cavite.

Sa kategoryang Under-10, ang 8-anyos na si Raven Nhel Gutierrez, mag-aaral sa Ikatlong Baitang ng Bethel Academy, ay nakakuha ng 4.5 puntos at nakapwesto sa ika-6 hanggang ika-10 puwesto, at nagtapos sa ika-9 sa pangkalahatan. Si Joohwan Kwak ng Timog Korea ang nagwagi sa Rapid Youth U-10 na may 6.0 puntos sa 7 laro at gintong medalya. Ikalawa at ikatlo naman sina Taeoh Lee ng Timog Korea at Takaharu Watanabe ng Japan na may tig-5.5 puntos at nakatanggap ng pilak at tansong medalya.

GALAMANO ang PILIPINO kay GLUA!

Lowcut- Special shoutout sa ating kaisport Martin 'Binky' Gaticales na dating afficionado ng PLDT chess club at KYUSi na lumahok din sa Korea Int'l.chessfest sa kanyang age division na tumapos ng respectable campaign sa torneong nilahukan ng mga bigatin sa mundo ng ahedres.Kudos to Arena GM Marlon Bernardino na nagpasiklab rin sa Incheon.

Nakilahok din sina Clairevy Estavillo Marisga, Jaceyrhrae Diane Gentelizo, Gian Zain Marisga, at Aaliyah Faith Caampued.MABUHAY KAYO!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here