Mission Sampaloc at Dela Rama sa Bgy BF, Parañaque City
PAGLIPAS ng isang linggong pagtitika at paggunita ng Kabanalan ni HesuKristo para sa Sanlibutan, naritong muli ang ating mga mas pinagpala sa buhay upang gampanan ang ang kanilang sinumpaang katungkulan ,ang paglingkuran ang higit na nangangailangang kababayan sa pagganap sa aspetong makatao at makaDiyos na adbokasiya.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
3/29/20241 min read


PAGLIPAS ng isang linggong pagtitika at pag-gunita ng Kabanalan ni HesuKristo para sa Sanlibutan, naritong muli ang ating mga mas pinagpala sa buhay upang gampanan ang kanilang sinumpaang katungkulang paglingkuran ang higit na nangangailangang kababayan sa kanilang pag-ganap sa aspetong makatao at maka-Diyos na adbokasiya.
Narito ang isang pinagpipitagang lingkod-bayan na muling ie- extend ang kanyang kamay upang paglingkuran ang nasasakupang konstituwente sa Lungsod Parañaque.
Ayon kay Konsi Raffy 'Apiong' Dela Peña...


"Matapos na matagumpay na maisagawa ang mga nagdaang -Serbisyong Balik sa Tao-ng inyong lingkod na Dental Mission sa iba’t- ibang barangay ng Paranaque District 2, naikasa na naman natin ang DENTAL MISSION (Libreng Bunot ni Konsi Apiong ) sa darating na Abril 6, 2024 sa lugar ng Sampaloc Elementary School at Abril 7, 2024 at sa venue ng Dela Rama,na parehong sa Brgy. BF, Paranaque.
Ngayon pa lang ay atin nang pinasasalamatan ang pamunuan ng ekswelahan sa pagpapaunlak na ipagamit ang kanilang pasilidad para sa misyong ito. Gayundin sa mga Purok President at Senior President na nakahandang makiisa partikular kay Nanay Cora President ng mga senior nang taga- Sampaloc.
'Tara na at kita- kits tayong muli!"


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato