Misyon ni PABA secgen Mike Asuncion..A SWING AND A HIT!
NAKADAUPANG -palad ng korner na ito ang isang tanyag na mukha sa larangan ng sports partikular sa POC family sa isang big event ng Philippine Sports Commission na ginanap kamakailan sa Solaire.
SPORTS
Ni Danny Simon
10/8/20252 min read


NAKADAUPANG-palad ng korner na ito ang isang tanyag na mukha sa larangan ng sports partikular sa POC family sa isang big event ng Philippine Sports Commission na ginanap kamakailan sa Solaire.
Si Mike Asuncion na bantog sa larangan ng collegiate baseball management partikular sa University of the Philippines Maroon batters sa UAAP abala sa kanyang misyon na maibalik ang glorya ng baseball sa kanyang timon.
Siya na pala ang isa sa top brass ng national sports association( NSA) na Philippine Amateur Baseball Association ( PABA) bilang secretary general katuwang ni top honcho Rodolfo 'Boy Tingson,Jr. ng pamosong Philippine Tot Baseball.
Ang tandem nina Boy at Mike pala ang pumalit sa dating liderato nina PABA president Chito Loyzaga at Pepe Munoz sa ginanap na halalan na nagbigay -daan sa panibago at komprehensibong pagbabago sa takbo ng management ng naturang NSA.
It’s a tall order para sa bagong pamunuan kung paano pasiglahin at maging darling muli ng Pinoy ang larong pwedeng umasenso ang ating mga manlalaro basta sa tamang proseso, management at determinasyon na maisulong ang larangan na kayang mag-excel ang Pilipino kontra tinatalo lang nila noon na mga bansang Japan, Korea, Chinese Taipeh at China na pawang mga world caliber na.
Determinado si secgen Mike na muling ibalik ang winning tradition noon ng Phillippine IX sa diamond at ang glory days kung saan ay dinudumog ang mga laro at pinipilahan sa takilya kapag may baseball games sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Pero kailangan ito ng full blast na mga pasiklab at pakulo upang bumalik ang excitement sa larong paboritong pastime sa Estados Unidos.
Modernong marketing strategy at glamorosong mga .manlalalaro na tiniltilian ng fans tulad sa basketball at volleyball.
Di birong resources iyan pero optimistiko si BosMike na kayang ilatag ito ng mga mahuhusay sa gimik at gilas.Gobyerno man, pribado at corporate naka-abang lang sila sa mound, diamond at homeplate sa pagpalo ng tagumpay.
Gayundin ang mga pag'organisa ng local tournament at pagdayo sa ibayong dagat na sobrang masakit sa bulsa ni Juan beysboler.
Pero sa determinasyon ni secgen Mike A , top brass Boy T. at lahat ng hañdang sumuporta s misyon ng bagong PABA, may kukontra pa ba sa pag-asenso ng Pilipinas sa larangan ng baseball? Let's play ball! A Swing and a HIT secgen Mike! ABANGAN!!


Si PABA secgen Mike Asuncion sa panayam ng Gilas News.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato