MISYONG NATUPAD NG AFAD

HINDI napigil ng masamang panahon ang pagdaos ng mabuting adhikain.

SPORTS

ni Danny Simon

7/24/20252 min read

HINDI napigil ng masamang panahon ang pagdaos ng mabuting adhikain.

Miyerkules ng bumabagyong umaga ay dinagsa ng sporting gun enthusiasts at responsible gun owners ang grandeng pagbubukas ng limang araw na exhibit ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) members kung saan ay nasa 40 exhibitors ang nagpartisipa sa inorganisang 31st AFAD Defense and Sporting Arms Show na sumambulat sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Sinipat sa limang araw na kaganapan ang mas produktibong edisyon kasunod ng solidong suporta mg mga mambabatas sa mga firearms stakeholders na kaakibat ang 'mission of crafting new measures to further boost the development of both business and sporting aspects of the industry.'

"Expect world-class imported and locally-made firearms and equipment for both sports shooters and responsible gun owners on full display in our event. Expect the best of shooting as our members and even this year's exhibitors feeling the highs of the positive developments in the industry's long fight for legit recognition," wika ni AFAD spokesperson Alaric "Aric" Topacio.

Pinagningning ang magarbong pambungad seremonya nina National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, Interior and Local Government Undersecretary for Peace and Order Nestor Sanares, at AFAD president Edwin Lim .

Tampok din sa okasyon ang presensiya ng mga miyembro ng national team na nag-uwi ng mga medalya sa ginanap na 2025 International Practical Shooting Championships PCC and Mini Rifle Worldshoot sa Czech Republic.

"Our shooters collected 16 gold medals, despite the fact, they are practicing with limited ammunition and short preparation. They deserved to be honored as they proved that we can be at par with the world's best," sambit ni Topacio.

Makikipagputukan ang naturang national shooters sa IPSC Action Air World Championships na naktakda sa Hulyo 26 -30 sa Iloilo City.

"The recent Congressional action not only provided a whiff of fresh air to members of the Philippine shooting team and responsible gun owners but also boosted the firearms industry as well, in line with the unrelenting effort to push for fair, practical and responsible regulations,"ani pa Topacio .

"Under the amended bill, from the previous ammunition purchase limits of only 50 rounds, non-sports shooters can now enjoy 500 rounds, while members of the Philippine shooting team (rifle, pistols, shotgun and practical shooting) are now reloaded with up to 5,000 rounds to use for intensive training and competitions".

Ang adbokasiya ng AFAD ay malaking bentahe para sa responsible gunowners na ang punto ay dumami pa sila sa aspeto ng seguridad at self defense kontra masasamang elemento na gamit ay loose firearms na nais nang i-eradicate hanggang matuldukan bullseye ng Kapulisan ang mga salot sa lipunan..

ABANGAN!!!

Lowcut-Shoutout sa ating kaputukan, batikang sports shooter kuya Atty. Modesto Lacambra ng MetroArms. Dinudumog ng mga entusyastiko ang kanilang booth exhibit sa AFAD gunshow..

YESYOH! Greetings sa suki ng PoliceFiles Tonite na si SG Vhergel Divina ng McDo Libertad, Pasay. Hayahay!

Pinagningning nina Napolcom vice chairman at executive officer Rafael Vicente Calinisan( gitna) at AFAD presifent Edwin Lim ang seremonya ng 31st Defense and Arms Show nitong Miyerkules ng umaga sa SMX Convention Center sa Pasay City. (Kuha ni MENCHIE SALAZAŔ)