IN GOD WE TRUST
MMC MX150XR MOTORCYCLE TOP PRIZE SA 1ST CLR XLV GOLF TOURNEY SA VILLAMOR
MATAPOS ang mga idinaos na matagumpay na humanitarian events nationwide,tumuon naman ang grupo ng Central Luzon Region(CLR) XLV ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles,Inc.,sa larangan ng sports.
SPORTS
Ni Danny Simon
11/8/20261 min read


MATAPOS ang mga idinaos na matagumpay na humanitarian events nationwide,tumuon naman ang grupo ng Central Luzon Region(CLR) XLV ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles,Inc.,sa larangan ng sports.
Hahataw ang kauna-unahang torneo nitong 1st CLR-XLV Golf Tournament sa Villamor Golf and Country Club sa Pasay City sa Disyembre 4,2026.
Ayon kay CLR XLV Governor Rafael Agbayani Agcaoili PhD(first Filipino International Philantrophist excellent award recipient at United Nations Humanitarian awardee) ,Inihahandog ang golf tournament para sa mga personaheng naging bahagi ng Medical Mission at Feeding Program sa buong taong 2026 kung saan ang final destination ng adbokasiya ay idaraos sa Tabuk City,Kalinga Province sa Nobyembre 7-8 sa pakikipagtulungan ng lingkod bayan at humanitarian advocate sa Kalinga na si Kuya Atty.Gelacio Bongngat.
May mga nakalaang papremyo sa kaganapang dadaluhan din ng mga pamosong public servants sa lipunan at celebrities sa shAowbiz at sports.
Bukod sa appliances,tampok na papremyo sa event na magti- tee-off sa Villamor Air Base Golf Course ika-7 ng umaga ay tampok na prize ang brand new motorcycle MMC MX 150XR.
Ang registration fee ay 5,000 Php,para sa karagdagan detalye ay maaaring kumontak kay tournament director Atty. Modesto C. Lacambra,Jr. sa #09175914369.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
