MONCHIE & MIKA DREAM POWER COUPLE SA PH BADMINTON

NAPIPINTONG maging realidad ang dati ay 'kung sakali lang' ang matunog na pagtatambalan sa hinaharap ng dalawang itinuturing na powerhouse sa larangan ng badminton sa Pilipinas.

OPINION

Danny Simon

11/4/20242 min read

NAPIPINTONG maging realidad ang dati ay 'kung sakali lang' ang matunog na pagtatambalan sa hinaharap ng dalawang itinuturing na powerhouse sa larangan ng badminton sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay nagpapakitang gilas si Mika de Guzman sa ladies' singles at team habang si Solomon 'Monchie' Padiz, Jr.naman ay hataw ang pangingibabaw sa men's doubles sa scholastic tourneys.

Naglaro sa ladies' singles and doubles si Mika para sa Ateneo sa katatapos na UAAP Badminton season sa kanyabg produktibong kampanya na naghatid sa podium finish partikular sa team event habang gold uli si Monchie sa men's doubles event para sa National University.

Rank #1 naman si de Guzman sa national team records habang ranggo numero uno sa national team men's doubles si Padiz, Jr. kasangga ang kaeskuwelang si Julius.

Ang mag- partner sa men's doubles na sina national players Monchie at Julius ay humataw ng gold medal sa prestihiyosong Petronas Badminton Championship sa Malaysia kamakailan na pinapurihan ng kanilang alma mater na National University.

"Congratulations to Solomon Padiz, Jr. and Julius Villabrille for their remarkable victory in the men's doubles badminton Petronas Malaysia International Challenge 2024.

Their resilience and teamwork showcase the true spirit of champions.

The win does not only highlight their talent but also their love for the nation- inspiring future athletes to strive for excellence. The NU community is proud of you",pagbating mensahe sa tagumpay para sa dynamic duo ng pamunuan ng National University.

Ayon sa ating mga sports kibitzers sa badminton,tunay na powerful ang tandem nina Monchie at July sa local at international na eksena.

Isa namang dream partner ang nais na maging realidad sa malapit na hinaharap ,ang power couple sa mixed doubles sa Philippine badminton nina Monchie & Mika... ABANGAN!!!

Lowcut: FYI- si Monchie ay mula sa angkan ng mga tanyag na sportsmen sa bansa.Siya ay anak ni sports academician, sports association head (Ph Chinlone at NUCAA prexy) Solomon Padiz , Sr. at apo ng Father of Ph Sepak Takraw na si icon Servillano Padiz.