IN GOD WE TRUST
Motivated Champ Hammerman Ripay,Misyon ang Tagumpay sa Japan 10-Ball
Matapos maghari sa Motivated Billiards League noong nakaraang Hunyo 29, handa nang isargo ni John Reibert Ripay ang kanyang husay sa mga paligsahang pandaigdigan.
SPORTS
Ni Danny Simon
7/1/20261 min read


Matapos maghari sa Motivated Billiards League noong nakaraang Hunyo 29, handa nang isargo ni John Reibert Ripay ang kanyang husay sa mga paligsahang pandaigdigan.
Mas kilala sa tawag na Jheck Jheck Ripay o “Hammerman” sa mundo ng bilyar, nakatakda siyang tumumbok sa 2026 Japan 10-Ball Open na gaganapin sa Setyembre 19, 20 at 22 sa Tokyo, Japan.
Kasama rin sa lalahok sa nasabing torneyo sina Erickson Navarrete, Rommel Santos, Roel Esquillo, Antonio Raga, at ang nagwagi noong nakaraang taon na si Paul John Ortega.
Si Hammerman ang nangibabaw sa Motivated Sharks Billiards 9-Ball Tournament kung saan kabilang sa mga nakilahok ang tagapag-ayos ng paligsahan na si Hadley Mariano, socmed personality Rendon Labrador, at dating batang bida at artista sa telebisyon na si Nino Muhlach, bukod pa sa iba pang kilalang personalidad sa larangan.
Nakita rin ang husay ni Ripay noong sumali siya sa Onin Cup noong Hunyo 28, kung saan nakapasok siya sa nangungunang walong pwesto.
“Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa watawat at sa ating bansa,”wika ni Ripay.
Si Motivated billiards champ Hammerman Ripay (gitna), Sgg ng arks top brass Hadley Mariano(kanan) at socmed enthusiast Rendon Labrador.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
