MSU SYSTEM PRES. TAGO NAGPUGAY SA KANILANG ATLETANG BAYANI NG BATANG PINOY GAMES GENSAN 2025

NAGBIGAY- PUGAY at kinilala ni Mindanao State University System President Atty. Paisalin P.D. Tago, CPA ang kagitingan kanilang mga atleta ng MSU Integrated Laboratory School( MSU-ILS) at MSU Lanao National College of Arts and Trades ( MSU- LNCAT) dahil sa kanilang produktibo at markadong pagpapakitang- gilas sa nakaraang Batang Pinoy National Championship Gen San 2025( Oktubre 25 hanggang 31, 2025.

SPORTS

Ni Danny Simon

11/27/20251 min read

Ang dalawang institusyon ng MSU ay sumabak bitbit ang bandera ng Alfussilath Lanao.Kinatawan din ng magigiting na atleta ang MSU System dala ang karangalan pagbalik ang makikinang na 1 gold medal,2 silver medals at isang bronze medal.

Binigyang-diin ni President Tago ang halaga ng dedikasyon,disiplina at giting na instrumental sa kanilang tagumpay at paghandog ng karangalan di lamang sa kani- kanilang campuses kundi maging sa buong MSU community.

Pinapurihan din niya ang mga coaches, mga magulang at ang Alfussilath Lanao program sa kanilang ipinadamang suporta at gabay sa mga batang mandirigma sa arena ng palakasan mula sa rehiyon.

" Your collective efforts reflect the spirit of excellence and resilience that define the MSU System, " sambit ni President Tago sa idinaos na Sports Summit kamakalawa na dinaluhan din ni Alfussilath official at pinunong coach Jamel Hussein Marohombsar.

Binigyang-pugay ni MSU System President Atty. Paisalin P.D. Tago, CPA (gitna) ang mga kabataang student athletes ng MSU-ILS at MSU-LNCAT na nakapag-handog ng karangalan sa MSU community sa kanilang naiuwing mga medalya mula sa pagsabak kamakailan sa Batang Pinoy Games GenSan 2025 kasama si head coach Jamel Hussein Marohombsar ng Alfussilath.