IN GOD WE TRUST

MUR 'PRINCE' ALAO MAGIGING 'KING TIGER' CAGER SA UAAP

NATAGPUAN na ng future basketball star na si Mur Prince Alao ang tunay na tiger's den na hahasa nang husto sa kanyang talento bilang varsity cager ng University of Santo Tomas Glowing Tigers.

SPORTS

9/16/20261 min read

NATAGPUAN na ng future basketball star na si Mur Prince Alao ang tunay na tiger's den na hahasa nang husto sa kanyang talento bilang varsity cager ng University of Santo Tomas Glowing Tigers.

Ang 22- anyos - 6'1" guard na si Mur Prince ay nasa balwarte na ng UST Tigers seniors basketball tournament.

Ang sensational cager na si Alao, miyembro ng national juniors team na nagkampeon sa Thailand Pacific Rim Junior Championship noong 2018 at na kinatawan ang bansa bilang San Beda young basketeers at Gilas Youth team ay pinili siya. ni UST coach Pido Jarencio para sa kanyang men's squad para sa ngayong taong UAAP Season.

Si Alao din na siyang cage ambassador ng Sinag Liga Asia ( SLA) unang kinuha ni La Salle coach Derrick Pumaren pero napalitan ang naturang mentor kaya lumipat siya ng UE pero di naasikaso ang scholarship kaya nang kunin siya no coach Jarencio ay tinanggap na niya ang oportunidad.

" God- willing destined po akong maglaro bilang UST Growling Tiger lalo pa't under coach Pido Jarencio dahil mai-maximize niya ang aking talento sa hardcourt", wika ni Prince na tinatayang magiging 'King Tiger' sa UAAP sa madaling hinaharap.

Malaking impluwensiya kay Mur Prince sa paglalaro ng basketball ang kanyang amang basketball enthusiast na si streakshooter Rey Alao at kuyang varsity player ng JRU Bombers una sa kanilang dating balwarte sa Bgy 824,Canonigo,Paco sa Maynila hanggang lumipat sila sa Antipolo.

Nag- umpisang maglaro ng competitive basketball si Prince noong grade 4 siya sa San Beda hanggang makamtan niya ang kampeonato bilang San Beda Red Cub sa NCAA.

Wish ni Alao na muling katawanin ang bansa sa international basketball competitions. DANNY SIMON

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...