IN GOD WE TRUST

MVP: TOL TO TDF

WISH ni business tycoon Manny V. Pangilinan (MVP) na may Filipino cyclists na produkto ng Tour of Luzon (TOL) ang kakarera sa ultimate race na Tour de France.

SPORTS

DANNY SIMON

2/24/20262 min read

WISH ni business tycoon Manny V. Pangilinan (MVP) na may Filipino cyclists na produkto ng Tour of Luzon (TOL) ang kakarera sa ultimate race na Tour de France.

Ito ang optimistikong pahayag ng pinuno ng MVP Group of Companies sa paglulunsad ng MPTC Tour of Luzon '26 Heritage in Motion sa Meralco nitong Lunes sa Pasig City.

"My goal and dream is to have a Filipino biker compete in the Tour de France,"wika ni MVP na nagbangon sa estado ng basketball,volleyball,badminton at of course ang cycling parttikular ang muling pagharurot ng sikat sa masang Tour of Luzon.

Sa naturang launching na dinaluhan nina chief organizer/ CEO Arrey Perez,Metro Pacific Tollways Corp. CEO Gilbert Sta Maria.,Philippine Sports Commission chairman Patrick Gregorio,ay inilatag ni head commissaire Lorenzo 'Jun Lomibao ang kabuuan ng 14- stage na papadyak mula Abril 28 sa Calatagan,Batangas hanggang Mayo 13 sa Baguio City.

Ang foreign flavored na karera na tinatampukan ng malalakas na Koreano at iba pang dayuhan ay tiyak na ang tagumpay nito dahil sa todo suporta ni MVP thru MPTC,na inagapayan pa ng orig na bida sa pagratsadang muli ng Tour of Luzon na si Chairman Pato Gregorio ng PSC, iba pang sangay ng gobyerno at pribadong sektor ay 'no way but to sprint to success'.

Naroon din sa launching ang mga pambatong siklista ng bañsa tampok ang last year's 'Eagle of the Mountain' Joshua Pascual na nangakong tatalunin nilang Pinoy cyclists ang mga dayuhang singkit na na ayon sa wish din ni MVP na huwag nilang papormahin ang mga Koreano.

So abangan na natin ang pagputok ng starting gun at pag-arangkada ng 'boys of summer'ng pinakabongga at mayaman nang karera ng masa na bagama' t pokus sa Luzon ay nationwide ang impact.

Sabi nga ni Secretary este Chairman Pato.. "it's a mortal sin if we don't support this sports tourism event"..MISMO!

Lowcut: Tunay nang mabunga ang punong sikaranista na si Master Crisanto Cuevas ng Raven Sikaran Tanay dahil kabi-kabila ang pukol ng batong ngitngit sa inggit ng magpapamilyang paksyon ng sikaran na di matalos ang paninira sa taong mabuti ang ginagawa sa larangan pero salat sa tapang dahil di gumagamit ng tunay sa pangalan sa paninirang-puri sa martial arts multi-awardee at hall of famer.\Dahil foul na sila , magpa-file na ng kaso si Master Cuevas kontra mga balasubashers..batuhin mo muna ng tinapay..RESBAKAN NA!

TOL launching. Ang MPTC Tour of Luzon '26 media conference ay dinaluhan nina (mula kaliwa) Arrey A. Perez, Chief Organizer / CEO; Gilbert F. Sta. Maria President & CEO, (MPTC) Metro Pacific Tollways Corporation; Manuel V. Pangilinan Chairman, MVP Group of Companies; PSC Chairman John Patrick Gregorio; Lorenzo Lomibao Technical Director at Head of Commissaires TOL 2026; at Pearl Managuelod, Institute Director, Philippines with na ang tema ay 'heritage in motion'. (Abby Pamplona)