IN GOD WE TRUST

NAAP EMPLOYEES NAGPUGAY SA CHED HEAD AT ANG MATAGUMPAY NA 5TH TANAY SIKARAN FESTIVAL HANE!

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga konsernadong kawani ng National Aviation Academy of the Philippines( NAAP) dahil sa napapanahong pagsalba ng pinuno ng kumisyunado at NAAP Board of Trustees sa kanilang natenggang sahod at bonus mula sa sistema ng dating PHILSCA.

SPORTS

DANNY SIMON

11/19/20262 min read

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga konsernadong kawani ng National Aviation Academy of the Philippines (NAAP) dahil sa napapanahong pagsalba ng pinuno ng kumisyunado at NAAP Board of Trustees sa kanilang natenggang sahod at bonus mula sa sistema ng dating PHILSCA.

Tagal kasi nang delay ng kanilang suweldo at inaantay na bonus na nauudlot dahil sa sigalot na dulot sa aspeto ng lideratong may kinalaman sa usaping legal.

Anila ay tinulugan ng NAAP leadership ang mga kaukulang sahod, year end bonus at cash gift partikular ng teaching force at manggagawa na dumanas ng masamang epekto sa kanila at pamilya na dapat lang ay may managot. Hanap nila ay hustisya sa pangyayaringbdi di naman sila dapat madamay.

Mabuti na lang ay to the rescue ang magiting na lider ng Commission on Higher Education ( CHED) na si Commissioner Michelle Aguilar Ong at ang NAAP Board of Trustees upang matugunan ang agarang panawagan.

Apektado rin pala ng todo ang mga ka waning kontraktwal na tanging sahod ang inaasahan ng kanilang pamilya.

Nagpupugay ang korner na ito Kay Comm. ONG at Board sa dagliang aksyon upang mas namayani ang makataong aksyon kesa tigas ng kalooban ng nasa ere ng pamunuan. NAAPektuhan ng todo ang mga manggagawa Kaya NAAPapanahon ang aksyon.. ONG galing ninyo Comm. ONG!

*******

5TH SIKARAN FESTIVAL SA TANAY HANE HAYAHAY SA TAGUMPAY!

MATAGUMPAY na nairaos ang panibagong edisyon na 5th SIKARAN FESTIVAL sa Tanay Hane nitong nakaraang weekend sa Tanay,Rizal.

Ayon kay Tanay Raven Sikaran founding head at main figure sa pagdaraos ng kaganapang tradisyon na sa bayan ng Tanay na si Mantas Crisanto Cuevas,nahigitan ang dami ng partisipanteng pumarada at lumahok sa paligsahang taunang idinaraos na naging matagumpay sa suporta ng Tanay LGU,WSBP,TCIA at Tanjuatco clan ng bayan.

"Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa ating tradisyon nang kaganapang Sikaran Festival Hane 2026. Sa mga atleta natin, opisyales, kay Mayor RM Tanjuatco at Konseho,kay Ms Baba Yuko ng World Traditional Sport,kay World Sikaran Brotherhood of the Philippines head G.Meliton Geronimo,Jr.,kay secretary Nicole Catolos,sa lahat ng ka-Tanay Club in America at sa libu- libong sumaksi sa parada ng Tanay Sikaran Hane..Mabuhay!," wika ni Mantas Cuevas na siya ring TCIA president.

Espesyal na papremyo ang natanggap ng mga namayagpag na Sikaran athletes sa maghapong tagisan ng talento,skills, at bakbakan sa sikaran mat.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here