Nangangamoy ginto sa Paris Olympics... POLE VAULT GOLD SA POLAND TILT KLINARO NI OBIENA NG PILIPINAS
HABANG papalapit na ang Paris Olympics sa France ay patuloy naman ang winning form ni Filipino pole vault hero EJ Obiena.
SPORTS
Danny Simon
6/22/20241 min read


HABANG papalapit na ang Paris Olympics sa France ay patuloy naman ang winning form ni Filipino pole vault hero EJ Obiena.
Dinomina kahapon ni Obiena ang prestihiyosong torneo sa Irena Szewinska Memorial sa Bydgoszcz, Poland para sa gintong medalya .
Di lamang ginto ang kanyang nasungkit kundi ay naitala niya ang pinakamataas niyang talon sa vault ngayong taon na 5.97 m.
"I am extremely happy to have shared this trophy with my countrymen, friends and specially Pawel( Wojsiechowski )as he bids his farewell to his home fans", mensahe ng Tokyo Olympian na si Obiena.
Segunda si Emmanuoil Karalis ng Greece sa kanyang 5.92 m. habang pambato ng Poland na si Piotr Lisek ay tersera sa kanyang klarong 5.75 m.
Si Obiena ay isa sa 18 qualified Filipino Olympians na inaasahang makapag-uuwi ng gintong medalya ng Paris Olympics sa France na sasambulat ilang linggo na lang mula ngayon.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato