NAS YOUNG TABLE TENNIS INT'L MEDALISTS PINARANGALAN NI SEN. BONG GO
BUONG kagalakang sinalubong ni Senator Kuya Bong Go ang mga student-athletes mula sa National Academy of Sports (NAS) na bumisita kamakalawa sa kanyang opisina kasama sina NAS Executive Director Joy Reyes at Coach Karen Jaleco.
SPORTS
DAS
6/27/20251 min read


BUONG kagalakang sinalubong ni Senator Kuya Bong Go ang mga student-athletes mula sa National Academy of Sports (NAS) na bumisita kamakalawa sa kanyang opisina kasama sina NAS Executive Director Joy Reyes at Coach Karen Jaleco.
Saludo at pagbati ang ipinadama ni Senator Go para sa mga kabataan dahil sa kanilang uwing tagumpay mula sa international table tennis competitions habang patuloy pa ring mahusay sa kanilang pag-aaral.
“Panalo na, may honors pa!” aniya, sabay pugay sa kanilang disiplina at sipag.
Kabilang sa mga pinarangalan sina:
Khevine Kheith Cruz – Gold at Silver medalist sa WTT San Francisco; Gold sa WTT Dubai at US Open Las Vegas,
Prince Maminta – Bronze sa US Open at WTT Youth Contender Palawan,
Rald Jaeden Tanghal – Bronze sa U15 Mixed Doubles at U15 Boys Singles,
Christopher Ocampos – Bronze sa U17 Mixed Doubles at U17 Boys Singles
at Jakob Aldrich Quindo – Bronze sa Asian Youth Games Qualifier sa Bahrain
“Pwede nang mag-training habang nag-aaral. Walang kailangang isakripisyo,” ani Go, na siyang may-akda at co-sponsor ng batas na lumikha sa NAS sa ilalim ng Republic Act No. 11470.
Bilang Chairperson ng Senate Committees on Sports on Youth, patuloy ang suporta ni Senator Bong Go sa mga kabataang atleta at sa sports development ng bansa. DANNY SIMON
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato