NATIONAL AGE GROUP AQUATHLON & DUATHLON REREMATE SA CAVITE
HANDA na ang lahat para sa parating na National Age Group Aquathlon at Duathlon Championships ngayong Nakatakda ang aquathlon event sa Marso 1 at ang duathlon ay gaganapin kinabukasan.
SPORTS
Danny Simon
2/26/20251 min read
HANDA na ang lahat para sa parating na National Age Group Aquathlon at Duathlon Championships ngayong Nakatakda ang aquathlon event sa Marso 1 at ang duathlon ay gaganapin kinabukasan.
Susubukan ni Merry Joy Trupa na masungkit ang kampeonato habang si Marion Kim Mangrobang ay hindi kasali sa tournament na inorganisa ng Triathlon Philippines na pinamumunuan ni Tom Carrasco.
Si Trupa ay nagwagi ng silver medal habang si Mangrobang ay nagkasya sa bronze medal sa 2025 Asia Triathlon Duathlon Championships sa Manama, Bahrain noong nakaraang Linggo.
Tinapos ni Trupa ang 5km run-30km bike-5km run sa 1:29:16, sa likuran ni Chinese Ziqing Lu (1:28:24).
Ang three-time champion sa triathlon Mangrobang ay back-to-back gold medalist sa duathlon sa SEA Games.
Pinamunuan niya ang women’s Elite, Under 23 at Junior squad na kabilang si Raven Faith Alcoseba, Kira Ellis, Erika Nicole Burgos, Lady Samantha Jhunace Corpuz at Katrina Salazar.
Ang men’s Elite at Under 23 team ay binubuo nina Filipino-Spanish Fernando Casares, Andrew Kim Remolino, Matthew Justine Hermosa, Joshua Alexander Ramos, Iñaki Emil Lorbes, Juan Miguel Tayag at Juan Francisco Baniqued, habang ang Junior Elite roster ay kabilang sina Dayshaun Karl Ramos, Darell Johnson Bada, Euan Arrow Ramos at Peter Sancho del Rosario.
Si SEA Games double-gold medalist John Leerams Chicano ay pamumunuan ang men’s duathlon team. kasama niya sina Maynard Pecson, John Patrick Ciron, Irienold Reig Jr. at Franklin Yee.
Kasama ni Trupa sa women’s team ay sina Jena Valdez at Bea Marie Quiambao.
Dinomina nina Remolino at Burgos ang National Age Group Aquathlon sa parehong venue nakaraang taon.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato