IN GOD WE TRUST
National Sikaran Open Championship suportado ng Tanayans sa America
KABILANG ang pagdaraos ng susunod na edisyon ng National Sikaran Championship sa susuportahan ng todo ng tanyag na Tanay Club in America( TCIA).
SPORTS
Ni Danny Simon
10/16/20261 min read


KABILANG ang pagdaraos ng susunod na edisyon ng National Sikaran Championship sa susuportahan ng todo ng tanyag na Tanay Club in America (TCIA).
Mas bonggang National Open Sikaran Championship '26 at ang pet project ni Master Crisanto Cuevas na Sikaran Tanay Festival Hane na nasa 6th edition na sa parating na taong 2026 ang kanilang pinaghahandaan, "wika ni Cuevas sa kanilang TCIA podcast ka tandem si VP R. Cruz sa Oakland na dinaluhan ng full force ng mga miyembro nito.
Dahil sa sipag at determinasyon ni Master Cuevas na iangat pa ang sport na ikinae- excel ng Pinoy hanggang ibayong dagat, kahit gabundok ang kakalusin ay kanyang gagawin para sa tagumpay ng adhikain at kahit laksang milya ang liliparin ay kanyang tatahakin maiangat lang ang larangang malapit sa puso at tradisyon ng kababayan natin.
Kaya naman buhos din ang mga awards na natanggap niya mula sa mga prestihiyosong award- giving body sa iba't - ibang panig ng daigdig. Iyan ang kanyang resibo.
Lalong dumarami ang mga nagpapa- enroll na kabataan sa Sikaran Training Academy na itinatag ni Master Cuevas sa kanyang balwarte.Kaya nga powerhouse ang Tanay pagdating sa national open championship at kaya gumagaya na rin ang ibang LGU's na suportahan ang kanilang atletang sikaran tulad ng ginagawa ng LGU ng Tanay sa pamumuno ni Mayor RM. Tanjuatco at buong Tanjuatco clan sa lalawigan ng Rizal.Sikaran '27.
Mula nang maupo bilang lider ng TCIA. si Cuevas 4 na buwan na ang nakaraan ay di birong mga aktibidad na ang mga naganap particular ang fundraising for a cause.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
