NATIONWIDE WORKSHOP SUDOKWAN ASSN. INC. 3RD ANNIVERSARY IDINAOS NI CATALAN
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Sudokwan Association Inc., nagdaos si SAI founder/president Rene Catalan para sa mga lehitimong District, Regional at Municipal Directors pati na ang mga piling coaches ng naturang national sports association bound.
SPORTS
Ni Danny Simon
12/12/20251 min read


BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng Sudokwan Association Inc., nagdaos si SAI founder/ president Rene Catalan para sa mga lehitimong District, Regional at Municipal Directors pati na ang mga piling coaches ng naturang national sports association bound.
Pinangunahan ni Asian Games 2006 Doha, Qatar wushu gold medalist Catalan ang naturang workshop na tinalakay ang mahalagang papel ng mga directors na lalawig pa nationwide gayundin ang belting signatory at annnual registration para sa mga miyembro na instrumental sa kinakailangang requirements para maging isa nang legit na NSA sa basbas ni Philippine Olympic Committee ( POC) president Abraham ' Bambol Tolentino at suporta ng Philippine Sports Commission( PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick ' Pato Gregorio.
" Optimistiko tayo na matutupad ang ating misyon na maging ganap na NSA sa maagang bahagi ng susunod na taon 2026.Yan ang ating puntirya number one sa Sudokwan," pahayag ng 47 -anyos na nagdaraos din ng kanyang kaarawan (Dec.12).
Katuwang ni Catalan si SAI VP Isagani Domingo.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
