IN GOD WE TRUST

NCAP NG MGA LGU HUWAG MUNA IPATUPAD

Bakit may NCAP nanaman ang mga LGU samantalang meroon na ang MMDA?

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

10/3/20261 min read

Bakit may NCAP nanaman ang mga LGU samantalang meroon na ang MMDA?

Kamakailan ay dinismiss ng Korte Suprema ang mga petisyon ng Kilusan ng Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon atbp laban sa mga NCAP ordinance ng ilang LGU dahil " the issues raised have becone moot because of the ADOPTION OF A NEW AND UNIFORM TRAFFIC ENFORCEMENT FRAMEWORK UNDER THE METRO MANILA TRAFFIC CODE OF 2023.

Ibig sabihin ay hindi na dapat nagpapatupad ng kanikanilang NCAP ordinance ang mga LGU sa metro manila dahil nga may UNIFIED TRAFFIC FRAMEWORK NA ANG MMDA.

Pero di ba may kapangyarihan ang mga LGUs na magpasa at magpatupad ng kanikanilang traffic code?

Ayon sa Korte Suprema the MMDA HAS THE EXCLUSIVE AUTHORITY TO ENFORCE TRAFFIC RULES IN METRO MANILA.

So bakit may NCAP na nga na pinatutupad ang MMDA, magkakaroon pa ang ibang LGUs?

Dapat munang linawin ng mga LGUs kung ang NCAP na kanilang ipatutupad ba ay may CONTRACTOR PROVIDER NA KIKITA SA MULTANG IBABAYAD NG MOTORISTA?

Mga bago bang ordinansa ito o yun dati? Nagka public hearing ba?

Napaliwanag ba ang due process mechanism?

Maraming katanungan na mas mainam masagot muna bago magpatupad ng ano mang NCAP ang mga LGUs.

Hindi tutol ang LCSP sa disiplina sa lansangan kaya nga walang tutol sa NCAP ng MMDA. Pero kapag iba na ang magpapatupad gaya ng mga LGUs na may PRIBADONG CONTRACTOR at pagkakakitaan ang multa ng motorista ay negosyo na ito at hindi disiplina.

Paano na yan kung nadismiss na ng Korte Suprema yun dating kaso.

Sabi ng Korte Suprema

Puede naman mag file ng panibagong petisyon dahil " the dismissal does not bar future challenges IF THE REVISED NCAP SYSTEM LATER GIVES RISE TO AN ACTUAL CONTROVERSY.

Nilinaw din ng Korte Suprema na " the dismissal of the petitions DOES NOT CONSTITUTE A RULING THAT THE CHALLENGED NCAP ISSUANCES ARE VALID.

Panawagan po ng LCSP sa mga LGUs na magkaroon muna ng public consultation kung anong NCAP itong binabalak nilang ipatupad.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...