NCFP Director's Cup Non Master 12-Under Sulong na Ngayon sa Farmers' Kyusi

ISUSULONG na ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pangunguna ni Director Martin "Binky" Gaticales at Arbiter Roy Madayag ang pagdaraos ng Rapid Chess Tournament na pinamagatang Director's Cup sa ngayong araw, Oktubre 18, sa lower ground activity area ng Farmers Plaza Araneta City sa Cubao, Quezon City.

SPORTS

Ni Danny Simon

10/17/20251 min read

ISUSULONG na ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pangunguna ni Director Martin "Binky" Gaticales at Arbiter Roy Madayag ang pagdaraos ng Rapid Chess Tournament na pinamagatang Director's Cup sa ngayong araw, Oktubre 18, sa lower ground activity area ng Farmers Plaza Araneta City sa Cubao, Quezon City.

Para ito sa lahat ng Non-Masters na may rating na 1950 at mga batang 12 taong gulang pababa. May mga premyong cash at medalya para sa mga mananalo sa iba't ibang kategorya. Magsisimula ang paligsahan sa ganap na ika-11 ng umaga.

"Magbibigay kami ng libreng medical IONSPEC EYE WEAR Glasses na gawa sa Indonesia at imbento ng isang Malaysian. Ang mga kwalipikado ay mga batang may edad 14 pababa na may reading na 500 pataas at mga may Glyn coma ng lahat ng edad. Libre ito sa lahat ng edad. Magdala ng medical certificate," sabi ni Chess Director Gaticales.

"Ito ay komplimento ng MGI Ionspec. Magparehistro na ngayon," dagdag pa niya.

Ang paligsahan ay suportado ng GUERRERO BROTHERHOOD sa pangunguna ni Grand Council President Judge Ralf Lee, sa pakikipagtulungan ng Sanitec Import Ventures Inc., UM Construction Services, MGI Ionspec Eye ware Medical Glasses, Nazareth Hospital, Dagupan City, at iba pa.

Para sa mga detalye ng pagpaparehistro sa chess, makipag-ugnayan kay Director Martin Binky Gaticales sa 0999 885 1432 at kay Roy Madayag sa 0908-5635536.