IN GOD WE TRUST

NEXIS AT SUDOKWAN MAGKATUWANG SA ADBOKASIYA PARA SA MASA

Anong meron kina Champ Rene Catalan ng Sudokwan, CEO Dindo Dumayac at VP for Sales and Marketing Rufino Uba ng NEXIS in common?

SPORTS

DANNY SIMON

9/21/20262 min read

Anong meron kina Champ Rene Catalan ng Sudokwan, CEO Dindo Dumayac at VP for Sales and Marketing Rufino Uba ng NEXIS in common?

Ang kanilang adbokasiya,kakayahan at puso ay pawang para sa kababayang nasa laylayan ng lipunan.

Ang Asian Games wushu gold medalist Doha 2006 at SEAGames multi- medalist Rene Catalan ay naging panata na niya ang matulungan ang mga potensiyal na batang atleta na inspiradong sumunod sa kanyang mga yapak tungo sa pagtupad ng pangarap partikular ang mga nais makaahon sa hirap.

Sa pagsisikap ni Champ ay naitatag niya ang Catalan Fighting System sa Makati na naging lunduyan at hasaan ng talento upang igiya sila sa direksyong makamit ang ambisyon dulot ng kanyang taos na pagtulong.

"Wish kong ibalik sa kanila ang biyaya sa akin ng ating Panginoon kaya kinakaya ko mga sakripisyo lalo na sa resources. Mabuti nakilala natin ang mga taga Nexis Multinational Corporation na iisa rin ang layunin para sa masa na makatupad ng pangarap in our humble way," wika ng founding chairman ng Sudokwan Association,Inc.(SAI).

Sina G. Dumayac at G. Uba ay nasa sektor ng negosyo na multinational ang aspeto na tumutulong din sa masa partikular sa mga nagnanais magnegosyo mula sa maliit na puhunan na kanilang maigigiya tungo sa pag-asenso tulad ng community livelihood program. It's a no way but up scheme kaya dito ay makakaramdam ng tunay na pag-asa sa tulong ng inyong NEXIS.Maging ang mga OFW' s,matutulungan natin ang kanilang pamilya dito na mapalago ang puhunan upang di masyadong nakasandal sa mga kapamilyang nasa ibayong dagat na naghahahanapbuhay dahil may laan tayong Kabuhayan Project para sa kanila. Iniimbita ko kayo upang maibahagi namin ang komprehensibong layunin upang maging hayahay ang buhay", pahayag ni Dumayac sa panayam ng TONITE PF at GILAS News.

Ibinida naman ni VP Uba na tampok sa kanilang noble endeavour ang humanitarian side na makatutulong sa kalusugan at pagkamit ng katuparan ng pangarap na magkaroon ng sasakyan at sariling bahay na madaling maipundar kahit bunga ng maliit na kapital pero tiyak naman ang pag-angat ng buhay lakip ang kanilang determinasyon at sikhay.

" Kami sa NEXIS ay walang hangad kundi maging bahagi ng pag-asenso ng bawat Pilipino.Yan ang aming kaibahan sa iba na puro kabig lang.Ang blessings ay ipinamamahagi natin sa ating masang kababayan", wika ni Uba na ibinida rin ang pagbubukas ng bagong tanggapan ng Nexis Multinational Corp. sa Batangas pati na ang mga nakahanay na satellite offices nationwide.

Kaya mga kakorner, after matunghayan ninyo mga top brass ng Sudokwan at NEXIS... NEXT IS FORTUNE naman..ABANGAN!!

Sina Nexis top honchos Dindo Dumayac (CEO),VP S&M Raffy Uba, Sudokwan Chairman Rene Catalan,journalist Danny Simon at mga Sudokwan Regional Directors na tumanggap ng workshop's certicate of completion mula SAI.

NEXIS WITH SUDOKWAN OFFICIALS

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...