IN GOD WE TRUST

NEXIS/Carziqo PH Encuentro C'ship 52... ILONGGO AT PASIGENIO MMA/ BOXING WARRIORS WAGI SA PASAY CITY

NAGPASIKLAB ang mga mandirigma mula Bacolod at Pasig sa tampok na bakbakan sa Mixed Martial Arts ng lumargang Philippine Encuentro Championship 'Search for more Filipino Heroes 52 sa Bgy. 54 Covered Court, Pasay City nitong weekend.

SPORTS

NI DANNY SIMON

10/4/20261 min read

NAGPASIKLAB ang mga mandirigma mula Bacolod at Pasig sa tampok na bakbakan sa Mixed Martial Arts ng lumargang Philippine Encuentro Championship 'Search for more Filipino Heroes 52 sa Bgy. 54 Covered Court, Pasay City nitong weekend.

Dinaig ni Ilonggo Superman Adrian Penaflor ang pambato ng Manila na si Denverlin Bantolio sa 50 under kgs ng boxing event.

Dominado ni Penaflor ang laban mula pagtunog ng bell na hudyat ng bakbakan hanggang mapuruhan nito ang Manilenyo sa segunda ruweda ng dalawang beses para sa standing 8 counts patungo sa panalo sa pamamagitan ng scorecards.

Magaan namang piniga via guillotine choke ni John Absin ng Team Independent Pasig ang Manila fighter na si Jefte Badilla sa MMA bout 50 plus category na naghatid ng mensahe bilang Isa sa hinahanap na bagong bayani ng PEC na inorganisa ni 2006 Asian Games Doha gold medalist Rene Catalan katuwang si Dra Brookeshields Imperial at suportado ng NEXIS Multinational Corporation at Carziqo.

Split draw naman ang naging result ng magkalabang kid fighters na sina Ricky ' Imperial Empire' Almario ng Makati City kontra RLima Dave Arce ng Pasay City.

Ang isang araw na encuentro ay naging matagumpay sa tulong ng liderato ng host Bgy. 54 at Pasay City LGU.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...