IN GOD WE TRUST
NEXIS/PEC 'SUDOKWAN WORKSHOP' NI CATALAN SA OCT. 31
MADARAGDAGAN pa ng esensyal at modernong kaalaman ang mga mandirigma sa ruweda ng combat sports sa pagdaraos ng kauna- unahang Sudokwan Workshop ngayong Oktubre 31,2026 sa Yague St.Bgy Tejeros,Makati City.
SPORTS
Ni Danny Simon
10/29/20261 min read


MADARAGDAGAN pa ng esensyal at modernong kaalaman ang mga mandirigma sa ruweda ng combat sports sa pagdaraos ng kauna- unahang Sudokwan Workshop ngayong Oktubre 31,2026 sa Yague St.Bgy Tejeros,Makati City.
Tinatawagan ng atensiyon ni SAI founding head Rene Catalan ang mga pioneering member at bagitong SAI athletes na magpartisipa sa isang araw na SUDOKWAN WORKSHOP na napakalaking bagay upang matuto pa ng makabagong kaalaman sa sining martial na Sudokwan na larangang sariling atin pero lumalawig na sa maraming mga bansa sa ibayong dagat.
" Train,learn,grow together and build a stronger athletes for a bright future to make Sudokwan number one!," wika ni Sudokwan Association ,Inc. top brass,Catalan Fighting System Philippines head,Philippine Encuentro Championship(PEC) chairman at Asian Games 2006 Doha wushu gold medalist Catalan.
Matutunghayan ang full force na paglahok sa naturang workshop na may basbas ng World Sudokwan Federation at suportado ng Nexis Multinational Corporation at Carziqo.
"Ang kaganapan ay bahagi ng mga aktibidad na kinakailangan upang makamit ang tunay na pagkilala ng Philippine Olympic Committee ( POC)at Philippine Sports Commission( PSC) bilang lehitimong National Sports Association( NSA)", ani pa Catalan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
