NICKO RUFMERC: PROBINSYANONG AKTOR PURSIGIDONG PINASOK ANG SHOWBIZ!
Ulila man sa ama at malayo sa ina ay pursigidong pinasok ng probinsyanong talent actor na si Nicko Rufmerc ang showbiz.
SHOWBIZ
RB Borinaga
10/20/20232 min read


Ulila man sa ama at malayo sa ina ay pursigidong pinasok ng probinsyanong talent actor na si Nicko Rufmerc ang showbiz.
“Bata pa lang po ako pangarap ko na po ang makita sa telebisyon, pero dahil likas na mahiyain po ako nawala ang desire na ‘yon, subalit dahil nung lumuwas po ako ng Metro Manila napag-alaman ko pong nagtatalent na rin po pala ang isa sa nakakatanda kong kapatid, dahil diyan prinomised ko po sa aking sarili na next time pagkabalik ko ulit dito ay susi buksan ko na itong gawin, yung iactivate ang desire kong mag-artista”, agresibong pagsasalaysay ni Nicko Rufmerc.
Si Nicko Rufmerc at tubong Oriental Mindoro. 28 years old. 5’8 ang heights. Pang sampu sa 11 na magkakapatid.
Ayon pa kay Nicko Rufmerc thankful raw siya at naging part siya ng Rising Star Artist Center (RSAC), dahil daw dito nagkaroon siya ng sunod-sunod na proyekto.
“Nag-undergo na rin po kami ng intensive acting workshop program sa RSAC, lalo na po’t nakikipagcollaborate narin po ang kompanya sa iba’t-ibang film production companies”, seryosong wika ng actor.
“Bukod pa po diyan may mga inaabangan pa po kaming audition para sa casting film project na under ng Star Cinema soon at StarMaker Film Production.”
Bukod sa pag-aarte ay magaling rin si Nicko Rufmerc sa sketching. Madalas kung wala siyang call for taping ang inaatupag naman niya ay ang pag-du-drawing at pag-e-sketch.
Nitong nakaraang Agosto lang ay napapadalas ang taping ni Nicko sa Abot Kamay Ang Pangarap sa GMA 7 na ginagampanan ang iba’t-ibang talent roles. Naging one of the cast talent narin raw siya sa Team A Happy Family sa TV 5 bilang Police, Can’t Buy Me A Love sa Netflix, IWantTFC , Kapamilya Channel, TV5 bilang job applicant, at Love Before the Sunrise sa GMA 7 bilang Hotel Staff naman.
Abangan rin natin ang paglabas ni Nicko sa pelikulang Penduko na kabilang sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF), The Goodwill Season 3 na ipapalabas sa Net 25, Upcoming Movie na Call My Manager na isa sa mga darating na Vivamax Films at sa bagong teleserye sa isang TV Channel nationwide.
“Maging humble lang sa lahat ng oras at pagkakataon, umangat man tayo sa buhay, maging pantay pa rin ang turing natin sa ating kapwa.”
Patuloy nating subaybayan ang pamamayagpag sa showbiz industry ng kakampi nating si Nicko Rufmerc!
Nicko, Commit to the Lord
whatever you do and he will stablish your plans. Proverbs 16:3
Para sa kapanapanabik pang showbiztaktakan tumutok lang palagi sa Showbiz Flash.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato