NIXON CURIOSO SASABAK SA SPAIN STANDARD FIDE CHESS TILT SA NOBYEMBRE

NAKATAKDANG sumabak si Nixon Curioso sa III Open Internacional de Ajedrez sa Alicante, Spain mula Nobyembre 8 hanggang 18,2025.

SPORTS

Ni Danny Simon

9/25/20251 min read

NAKATAKDANG sumabak si Nixon Curioso sa III Open Internacional de Ajedrez sa Alicante, Spain mula Nobyembre 8 hanggang 18, 2025.

Ang dating Inter-Collegiate gold medalist sa kolehiyo na naglalaro para sa varsity chess team ng Philippine Christian University ay may misyon na maging susunod na Filipino FIDE Master.

"Umaasa akong makakuha ng ilang ELO rating points bukod pa sa pagkuha ng titulong FIDE Master," sabi ni Curioso na naglalaro para sa IIEE-PSME Quezon City Simba's Tribe ng PCAP event.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr., International Master Jose Efren Bagamasbad at National Master Almario Marlon Bernardino Jr. na nagsilbing coach at trainer ng PH chess team.

Si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Francisco J. Rivera(ikalawa mula kanan),Tonite Police Files sportswriter Dannigilas Simon, NM (coach) Marlon Bernardino ( kaliwa) at Spain chessfest- bound Nixon Curioso (courtesy call) sa GAB Central Office sa Makati City .