IN GOD WE TRUST

NM Faeldonia, naghari sa Romblon Chess C’ship

ITINANGHAL si National Master Jasper Faeldonia bilang kampeon ng 179th Fiesta Chess Tournament sa Odiongan Legislative Building sa bayan ng Odiongan, Romblon Province nitong Abril 4, 2026.

SPORTS

Ni Danny Simon

4/6/20261 min read

ITINANGHAL si National Master Jasper Faeldonia bilang kampeon ng 179th Fiesta Chess Tournament sa Odiongan Legislative Building sa bayan ng Odiongan, Romblon Province nitong Abril 4, 2026.

Nagtapos si Faeldonia sa 7-Round Swiss System na paligsahan na may rekord na walang talo at nakakuha ng 6.5 puntos mula sa anim na panalo at isang tabla upang makuha ang titulo at premyong salapi na P8,000.

“Masayang-masaya ako sa aking panalo dahil halos lahat ng nangungunang manlalaro mula sa lalawigan ng Romblon ay sumali sa torneo,” pahayag ni NM Jasper, na naging Most Valuable Player noong nakaraang taon sa NCAA chess meet at tumulong sa College of St. Benilde upang makuha ang tropeo ng kampeonato.

Sumunod sa pangalawa at pangatlong pwesto sina Jerick Faeldonia at Nepthali Bantang na parehong may 6.0 puntos. Nakuha naman nina Vance Thristian Fajarit at Rilly Familara ang ika-apat at ikalimang pwesto na may tig-5.5 puntos.

Parehong may 5.0 puntos sina Jay-Ar Maquirang, Gerald Gas, Engr. Ernie Faeldonia, Jay El Fabiala, Noe Ramon, Vicente Luben, Engr. Gary Faeldonia, Nomie Fajarito, Kristofferson Caesar Yao, Rey Fajarito, at Denver Dimaculangan.

Kumpleto sa top 20 sina Nomar Kiel Ramon (ika-17), Ricardo Fedalino (ika-18), Roda Ngo (ika-19), at Peter Clife Tumbagahon (ika-20).

Ang mga itinanghal na panalo sa kani-kanilang kategorya ay sina Ryel Min Joon Cano (top kiddies), Vema Falogme (top lady), at Eddie Mame (top senior).

Ang 179th Fiesta Chess Tournament ay sinuportahan ng LGU Odiongan sa pamumuno ni Vice-Mayor na si Hon. Michael “Butchoy” Arevalo at SB Chow Chua, 179th Town Fiesta Sports Coordinator; Sta. Fe Chess Knights ng Sta. Fe, Romblon; JA Warehouse ng Looc, Romblon; Chessmatics Academy; FCTP; at Odiongan Chess Club sa pamumuno ng Club President na si Roy Fradejas Fetalvero at Club Secretary/Arbiter na si Alexis Visca.

Sa larawan mula kaliwa: Engr. Gary Faeldonia (ika-12 na pwesto), Jerick Faeldonia (ikalawang pwesto), Odiongan, Romblon Vice Mayor Michael Arevalo, NM Jasper Faeldonia (Kampeon), at Engr. Ernie Faeldonia (ikawalong pwesto).