NM Nika Juris Nicolas Reyna Siya sa Indonesia Chess tilt

Muling iwinagayway Ang bandila ng Pilipinas ni National Master Nika Juris Nicolas ng Pasig City sa International Chess tournament.

SPORTS

9/5/20251 min read

Muling iwinagayway Ang bandila ng Pilipinas ni National Master Nika Juris Nicolas ng Pasig City sa International Chess tournament.

Nakopo ni NM Nika ang gold medal sa Under 13-Girls division na tinampukang BPK Penabur Asian Zone 3.3 Schools Chess Competition na ginanap sa Jakarta, Indonesia nitong Agosto 27-31, 2025.

Si NM Nika din ang nagkampeon sa Pasig City kamakailan. Ang anak nina Atty. Nikki De Vega at Atty. Krisanto Nicolas ay nagwagi din sa Albania , Penang, Malaysia at Estados Unidos. Nakatakdang katawanin ni NM Nika ang bansa sa Euro chess tournament sa Budapest, Hungary ngayong taon.

Gold medal din si National Master Mark Gabriel Usman sa Under 17-Boys category.

Naiuwi naman ni Woman FIDE Master Jemaicah Mendoza ang silver medal sa Under-15 Girls category.

Silver medal din si Woman National Master Kaye Lalaine Regidor sa Under 17-Girls division.

Ang iba pang miyembro ng PH age group chess team na nakapasok sa top 10 sa kani-kanilang division ay sina Elle Castronuevo, Johan James Barcelona , Jay Emmanuel Sotaridona at James Matthew Belen.

Ang kampanya ng PH age group chess team sa gabay ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero "Butch" Pichay Jr. ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinangunahan nina PSC Chairman John Patrick 'Pato' Gregorio, Commissioner Ed Hayco at Commissioner Olivia 'Bong' Coo at maging si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham "Bambol" Tolentino.DAS