IN GOD WE TRUST
NO WIN-WIN SOLUTION
WIN Gatchalian at Er’WIN Tulfo, mga Senador na nagpipilit umawit sa trono kahit na ala sa tono.
OPINION
DANNY SIMON
6/7/20262 min read


WIN Gatchalian at Er’WIN Tulfo, mga Senador na nagpipilit umawit sa trono kahit na ala sa tono.
Di mawari ng korner na ito kung bakit ang pinagpipitagang Senador WIN ay nakikipag-agawan sa poder ng kapangyarihan sa lihis na paraan gayong kaya naman niyang makamit iyon sa tamang panahon at paraan kesa madalian.
Iniluklok siyang Senador para pagsilbihan ang taumbayan hindi ang iilang taong tiyak na alam niyang nangulimbat sa kaban ng bayan.
Majority number ang nagluklok kaya winner si Win sa Senado noon kaya ang maging Senate President ay sa bisa lang ng mayoryang boto para sa trono ayon sa Konstitusyon.
Kung itutuloy niyo ang sesyon ngayon at ikaw ang pagpe- preside ay isang exercise in futility dahil wala kang magic 13.
Ano ang pakiramdam mo na ipinaglalaban mo ang masama laban mabuti at katotohanan?
Makaka- komplut mo pa ang isang mambubully na inaagaw ang blue ribbon committee upang mapagtakpan ang pinakaiskandalosong katiwaliang naitala sa bansa na nagpapalugmok sa kahirapan ng mamamayan dahil sa nilimas ng mga kawatan ang pera ng bayan.
Hahayaan ba ng isang Sen. Er’win na mabisto sa kanyang inaagaw na komite ang kurapsiyon kung saan ay dawit siya ayon sa mga whistleblower na tagilid ang sitwasyon ngayon dahil sa kanilang siwalat sa bayan?
Mag-isip kang mabuti Sen.Win.
Alam mong ang sigaw ng taumbayan ay manaig ang katotohanan pero bakit nariyan ka sa panig ng mga nais pagtakpan ang totoo dahil kasama sila sa sisingaw sa sigaw ng bayan.
Maatim mo bang kasangga ang mga walang malasakit sa bayan kundi sariling bulsa lamang.Me tsokaran kang komedyante,atorni nokeys, makakakaliwa na sobrang inalipusta ang Marcos noon pero himod ngayon ng Palasyo , sanggano sa problemang domestic ng tao pero pagdating saSenado ay watokis sa pagnanakaw ng mga naka-barong atamerikana sa bulwagang pambatasan.
Darating ang araw na makakamit mo din Sen.Win ang mamuno sa institusyon dahil isa ka namang tunay na statesman wag lang pagamit sa interes ng iilan.
Huwag ding makipag- pakner sa isang kwestyunableang record dahil madudungisan lang ng putik ang malinis na reputasyon.
Win and Er’WIn,never a WIN-WIN solution… !?ABANGAN!
*******
TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA SUMA- SIDELINE SA GABI
Halos maghahahatinggabi na noong nakaraang Biyernes ay napadaan ang inyong kakorner sa ma Lagusnilad sa harapan ng Manila City Hall ay nagulat ang Uppercut nang ipara ang ating sasakyan habang itinuturo ang aking dinaanan .
Tinanong ko kung ano violation at e hanap agad ang lisensya dahil bawal daw dumaan sa daanan ng mga pampasaherong dyipni.
Ang tagal ko nang Manilenyo eh sa kanya ko lang nalaman na bawal dumaan doon.
Wala namang planong maniket at gusto lang ng enforcer na Castillo lang ang nahagip kong pangalan , ang delihensya na matagal na nilang gawain kontra motorista.
Nagpakilala na ang Uppercut na nagpaalsa pa ng boses ng kolokoy at di raw sila nakukuha sa ganoong kortesiya. Pinagyabang pa niya na ‘overpowering daw at walang media- media.
May tumawag sa kanya na superior niya at sinumbong na me nagpapakilalang media na legit naman ,pagkatapos niyo ay saka lang nagpa- go ang gago.
Bro. Bambi Purissima pakitsek nga ang mga ganitong anay na nagmamantsa sa imahe ni idol YORME!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
