IN GOD WE TRUST
Norweigian GM Christiansen tinututukan sa Pacman International Open Kalilangan Chessfest sa GenSan
POKUS ang lahat kay Grandmaster Johan-Sebastian Christiansen ng Norway kapag nagsimula na ang pinakahihintay na Manny Pacquiao International Open na tinawag na 87th Kalilangan Chess Festival 2026 sa Pebrero 23 hanggang 27, 2026 sa Family Country Hotel, General Santos City.
SPORTS
Danny Simon
2/17/20261 min read


POKUS ang lahat kay Grandmaster Johan-Sebastian Christiansen ng Norway kapag nagsimula na ang pinakahihintay na Manny Pacquiao International Open na tinawag na 87th Kalilangan Chess Festival 2026 sa Pebrero 23 hanggang 27, 2026 sa Family Country Hotel, General Santos City.
Inorganisa ng Pacman Chess Association, ang limang araw na Standard (90 minuto plus 30 segundo increment time control format) na sinusuportahan ng dating Senador Manny Pacquiao, ay nag-aalok ng 20,000 US dollars sa magkakampeon.
Sa Elo rating na 2659, si Christiansen ang nangungunang seed sa torneo.
Ginawaran si Christiansen ng mga titulong International Master noong 2015, at Grandmaster noong 2018, ng FIDE.
Noong 2022, nagwagi si Christiansen sa 1st Colonia de Santa Jordi Chess Festival sa tie-break laban kay Brandon Clarke, na may score na 7.5/9.
Kabilang sa mga naunang nagparehistro ay sina GM Pa Iniyan ng India, GM Arkadij Naiditsch ng Bulgaria, GM N R Visakh ng India, GM Li Men Peng ng Switzerland, GM Vitaly Sivuk ng Sweden, GM Platon Galperin ng Sweden, GM Susanto Megaranto ng Indonesia, GM VS Raahul ng India, GM Novendra Priasmoro ng Indonesia, GM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam, GM John Paul Gomez, IM Christian Gian Karlo Tade-Arca, IM Kim Stevan Yap, Lennon Hart Salgados, Andrei Ainsley Dolorosa, Diego Abraham Caparino, Lightus De Leon, Edmundo Lao at Emmanuel Pacquiao Sr. ng Pilipinas.
Kasama rin sa kaganapan na inorganisa ng Pacman Chess Association sina IM Haochen Jiang ng China, IM Arif Abdul Hafiz ng Indonesia, IM Jodi Azarya Setyaki ng Indonesia, IM Bala Chandra Prasad Dhulipalla ng India, WIM Hagawane Aakansha ng India, WIM Furtado Ivana Maria ng India at WFM Yilin Li ng Canada.
Ang Tournament Director ay si Orly Ortega habang ang Chief Arbiter na si IA James Infiesto ay tinutulungan nina Deputy Chief Arbiter IA Michael Joseph Pagaran at FA Margie Narcilla.
Makikita sa larawan si International Arbiter James Infiesto, nakaupo sa kanan na naglalaro ng chess laban sa dating Senador Manny Pacquiao.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
