NOW NA EJ OBIENA!
ILANG tulog na lang ay sasalang na ang isa sa ating medal hopefuls na si EJ Obiena, no. 2 sa mundo ng pole vault sa athletics at pambato natin sa sasambulat na ngayong Paris Olympics 2024 sa France.
OPINION
Danny Simon
7/25/20241 min read


ILANG tulog na lang ay sasalang na ang isa sa ating medal hopefuls na si EJ Obiena, no.2 sa mundo ng pole vault sa athletics at pambato natin sa sasambulat na ngayong Paris Olympics 2024 sa France.
Ang magdadalawang dekada nang paghahanda at paghahangad ni Obiena na mahandugan ng Olympic gold medal ang Pilipinas ay narito na at halos abot-kamay na niya ang tagumpay gaano man kabigat ang babalikatin para sa kanyang sandali ng katotohanan.
Malaki ang kumpiyansa ng korner na ito na makakamit na ni EJ ang dumulas na ginto nito noong nakaraang Tokyo Olympics.
Malaki ang balakid na nakaharang sa kanyang misyon dahil tangan ni world's no.1 Mondo Duplantis ng Sweden ang 6.2 marker.
Pero ang personal rekord ni EJ ay pumalo na sa 6 flat kaya kung tutuusin ay malapit na rin ang realidad ng gintong medalya sa Olimpiyada.
Di matatawaran ang mga tagumpay ni EJ nitong mga nakaraang barometro ng preparasyon tulad din ng kanyang mga gold sa nakaraang SEAGames,lalo na ang Asian Games na kanyang pinagharian, kasunod ng mga world pole vault games na kanyang nilahukan at nakapanalo ng mga gintong medalya.
Malay natin na baka biglang nagin g off ang Swedish star at siya naman ang nasa peak ng performance sam ga sandaling iyon.
Good luck Obiena at sa mga higit 20 pang Filipino Olympians na naghahangad ng Olympic medals sa France...ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato