IN GOD WE TRUST

NU Amigos vs UST Tigers, IPPC Hawks vs Thunderz semifinals.. RUBBERMATCH SA LBP TINGZON CUP

UUSAD sa finals ang magwawagi habang magbabakasyon ang mabibigo sa doubleheader semifinals " no mire tomorrow' matches ngayong weekend sa papatapos nang buwenamanong season ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

SPORTS

Danny Simon

7/26/20241 min read

UUSAD sa finals ang magwawagi habang magbabakasyon ang mabibigo sa doubleheader semifinals " no mire tomorrow' matches ngayong weekend sa papatapos nang buwenamanong season ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Ang NU at Thunderz ay parehong nasa bentaheng sitwasyon kung saan ay twice to beat sila ng katunggaling UST at IPPC ayon sa pagkakasunod noong nakaraang linggong bakbakan sa diamond.

Dinaig ng Tigers ang Bulldogs Amigos habang dinurog ng Hawks ang Thunderz upang maisaayos ang rubbermatch at ang kanilang pagtutuos sa finals ng mamamayagpag na koponan sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora , President Pepe Munoz at Execiutive Director Boy Tingzon Jr.

Ang buwenamanong presentasyon ng LBP na Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal kay legendary baseball leader Rodolfo Tingzon, Sr.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...