NU AT ATENEO BUWENAMANO SA PSAA U-16 ASPIRANT'S CUP OPENER

AGAD na nagpasiklab ng bangis ang mga kabataang basketbolista ng National University sa buwenamanong laro matapos sapangin ang St John Wort Integrated School,50-32 sa pagbubukas ng Philippine Schools Athletic Association Under-16 Aspirant's Cup basketball championship kahapon sa Trinity University, Quezon City.

SPORTS

Danny Simon

7/13/20252 min read

AGAD na nagpasiklab ng bangis ang mga kabataang basketbolista ng National University sa buwenamanong laro matapos sapangin ang St John Wort Integrated School,50-32 sa pagbubukas ng Philippine Schools Athletic Association Under-16 Aspirant's Cup basketball championship kahapon sa Trinity University, Quezon City.

Pinangunahan ng Bullpups ang paglapa sa St John Wort ni Mari Zabareza David sa kanyang 9 points 3 rebounds at 4 assists katuwang si Jaypee Angelo Yanga na kumamada ng 8 puntos upang itala ang kumbinsidong panalo ng NU -Nazareth sa naturang grassroot league na inorganisa ni founder- organizer- coach Fernando Arimado.

Nagpakitang gilas naman si Sky Jazul na tumikada ng game high 20 puntos upang akayin ang Ateneo de Manila University Blue Eaglets sa malaking panalo kontra St.Bernadette School of Alabang Griffins ,71-61 sa ikalawang bakbakan ng naturàng Aspirant's Cup tournament na hatid ng Solar Sports at Spalding.

Katuwang ni Jazul sina JC Juangco at Bi Dela Rosa na ma 18 at 12 pts.ayon sa pagkakasunod.

" Thankful kami dahil success ang ating opening lalo na't malaking institution teams ang lumahok na pumarada with their flying colors,at least iyong mga di nakakasali sa UAAP at NCAA ay may ligang mapaglalaruan ang mga batang ito sa ating PSAA sa hinaharap", wika ni founder Arimado kasabay ng kanyang pasasalamat sa pangunahing tagapagtaguyod ng liga na TALYER AUTO PHILIPPINES "Your trusted solution for all car problems". na nasa Banawe ,Quezon City.

Iniimbitahan ni Arimado ang mga kabataang basketball enthusiasts na saksihan ang mga laro sa PSAA at sa mga school team oficials na lumahok sa ligang future home of basketball stars.