IN GOD WE TRUST
NU BULLDOGS AAGAWIN ANG LIDERATO VS KBA STARS SA LBP
TATANGKAIN ng UAAP 3- peat champion National University Bulldogs ni manager Wopsy Zamora na mantsahan ang malinis na kartada ng KBA Stars ni Japanese national Philippine- based Keiji Katayama sa kanilang pagtutuos ngayong umaga sa DLSU Laguna campus.
SPORTS
Ni Danny Simon
7/17/20261 min read


TATANGKAIN ng UAAP 3- peat champion National University Bulldogs ni manager Wopsy Zamora na mantsahan ang malinis na kartada ng KBA Stars ni Japanese national Philippine- based Keiji Katayama sa kanilang pagtutuos ngayong umaga sa DLSU Laguna campus.
Tangan ng Bulldogs ang impresibong 3-1 kartada habang ang ang Stars ay wala pang talo sa apat na naging asignatura nito.
Kapag dinaig ng tropang Sampaloc na NU ang frontrunner na KBA ay ookupahan nito and ituktok ng team standing kahit na pareho silang 4-1 sa bisa ng winner over the other.
Sa ikalawang hatawan bandang hapon ay magtatagisan ang Muralla Dawgs 2-3 kontra Philippine Air Force2-2.
Ang bumubuntot sa leaderboard na DLSU Unicorns ay may 3-1 baraha habang ang UST ay may 2-2, 1-3 sa Ateneo Wolves habang wala pa sa win column ang Dumaguete.
Kinabukasan araw ng Linggo ay magsasagupa ang Unicorns vs Muralla na susundan ng Wolves laban sa UST.
NU Bulldogs
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
