IN GOD WE TRUST
NU BULLDOGS AT DLSU NG UAAP PAPAYANIG NA SA LIGA BASEBALL PH SA TAGUIG
TULOY ang ribalan ng UAAP 3-peat champion National University Bulldogs at runner- up De La Salle University Green Batters sa paghataw ng Liga Baseball Philippines ( BP) Celebrity Cup Season 2 bilang mainer ng tripleheader games sa Felino Marcelino Baseball Stadium bukas ng gabi sa Taguig City.
SPORTS
6/10/20261 min read


TULOY ang ribalan ng UAAP 3-peat champion National University Bulldogs at runner- up De La Salle University Green Batters sa paghataw ng Liga Baseball Philippines (LBP) Celebrity Cup Season 2 bilang mainer ng tripleheader games sa Felino Marcelino Baseball Stadium bukas ng gabi sa Taguig City.
Magsisimula ang bakbakan sa pagitan ng Dumaget Squad kontra Ateneo de Manila ika-8:00 ng umaga bilang opening game na susundan ng hatawang Katayama Baseball Academy( KBA )Stars kontra Muralla IX en punto alas tres ng hapon bago ang kauna- unahang night game sa liga ng NU vs DLSU ika-7:00 ng gabi.
Bago ang nightcap game ay paparada ang lahat ng koponang kalahok sa formal opening rites ng LBP Celebrity Cup ,5:00 ng hapon pagkatapos ng game 2.
“All roads to Marcelino diamond today in Taguig to witness the unique baseball spectacle from morning to dusk . First time tayo magkakaroon ng laro sa gabi after ng colorful opening ceremonies na dadaluhan ng mga tanyag na celebrities sa iba’t -ibang larangan. Tayo na.. LBP na!,” wika ni Liga Baseball Philippines Chairman Wopsy Zamora na katuwang si LBP President Jose Pepe Munoz sa pag- organisa ng naturang amateur/ commercial league na naka- padron sa bantog na Manila Bay Baseball League( MBBL) noong dekada ‘60.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
