IN GOD WE TRUST
NU BULLDOGS BACK -TO -BACK SA LBP?
MATAPOS ang makasaysayang three-peat sa UAAP ng powerhouse National University men’s baseball team ,may panibagong misyon ngayon ang Bulldogs, back- to- back na kampeonato sa Liga Baseball Philippines.
SPORTS
Danny Simon
5/3/20261 min read


MATAPOS ang makasaysayang three-peat sa UAAP ng powerhouse National University men’s baseball team ,may panibagong misyon ngayon ang Bulldogs, back- to- back na kampeonato sa Liga Baseball Philippines.
Ayon kay team top brass Wopsy Zamora,determinado ang tropang Sampaloc na ma- retain ang historic title nito na pinagwagian noong nakaraang taong buwenamanong edisyon ng LBP.
“ With the present depth of our team built by determination, discipline, young and veterans plus acquisition of prized talents, our goal to LBP will be a mission possible. Hear our Bulldogs roar once more!”, optimistikongpahayag ni Zamora.
Nakatakdang humataw ang LBP sa susunod na weekend na lalahukan din ng mga malalakas na be club teams sa Metro Manila at collegiate squads kabilang na ang kanilang arch - rival na De La Salle Green Batters na tinalo nila semifinals noong nakaraang LBP first edition 2025 at kamakailang 3- peat kampeonato sa UAAP.
Ang LBP ay binuo noong nakaraann taon 2025 sa pangunguna ni chairman Zamora katuwang sina Pepe Munoz bilang president at secretary general Boy Tingzon at ang liga ay may basbas ng Philippine Amateur Baseball Association(PABA).
Ang misyon ng NU Bulldogs na back - to- back champion ay posible pero maraming balakid, papayag ba ang mga nakaabang na kalabang ang misyon naman ay titulo nila ang huhubaran.. ABANGAN!
———-
Basketball, volleyball, table tennis , chess, softball/ baseball clinic sa Bicol ni Dannigilas ngayong tag- araw
Kasado na ang kaganapang pang- sports sa Pilar, Sorsogon ng advocacy event organizer for a cause ng inyong lingkod ngayong Mayo simula sa susunod in na weekend .
Mauna sa kaganapan ang volleyball clinic sa pag- donate ng isang sponsor ng volleyball net at bola na labis na ikinalugod ng mga kabataang babae at lalaki sa Sitio Magbog ng Bgy Dapdap kasunod ang basketball,table tennis, baseball/ softball , chess at swimming clinic sa may Dapdap Bay Resort. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang inyong kakorner sa mga kaibigang handang tumulong para sa kabataang Bicolano for the love of sport..Sana all sa Bicol!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
