IN GOD WE TRUST

NU BULLDOGS BUMABANDERA SA LBP

KAALINSABAY ng pagbuti ng panahon,balik- aksiyon na ang 2nd Season Liga Baseball Philippines Celebrity Cup 2026 sa diamond.

SPORTS

ni Danny Simon

9/14/20261 min read

KAALINSABAY ng pagbuti ng panahon, balik- aksiyon na ang 2nd Season Liga Baseball Philippines Celebrity Cup 2026 sa diamond.

Bumabandera sa team standing ang UAAP 3-peat champion National University men's baseball squad sa kartadang 6-1 sa papatapos nang unang round ng eliminasyon sa prestihiyosong ligang amateur commercial baseball tournament sa Metro Manila.

Kasosyo sa liderato ng Bulldogs ang powerhouse KBA( Katayama Baseball Academy) Stars ni Japanese national Philippine- based Keiji Katayama sa barahang 6-1 din.

Pumapangatlo ang arch rival ng NU sa UAAP na De La Salle University sa 4-3 win- loss record.

Sumalya naman ang Muralla IX sa 3-3 habang umangat ang tayo sa kontensiyon ng Wolves sa 3-4 matapos maungusan ang Philippine Air Force 6-5 sa DLS ground sa Laguna nitong nakaraang weekend.

Tabla ang Airmen sa 2-4 katayuan habang ang Dumaguete ay di pa umeentra sa win column sa kulelat na 0-6.

" Maganda na ang panahon kaya saksihan ninyo ang magagandang mga laro sa ating LBP Celebrity Cup sa darating na weekend", wika ni LBP Chairman Wopsy Zamora na sinegundahan naman ni LBP President Jose 'Pepe Munoz.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...