IN GOD WE TRUST

NU Bulldogs vs KBA; Danny E, Boholst, Cuevas at Nexis

NAPIPINTO na ang paghaharap ng 3-peat UAAP champion men's baseball team National University Bulldogs kontra first finalist Katayama Baseball Academy (KBA) Stars sa kampeonato ng Liga Baseball Pilipinas (LBP) Celebrity Cup 2026.

SPORTS

DANNY SIMON

9/24/20262 min read

NAPIPINTO na ang paghaharap ng 3-peat UAAP champion men's baseball team National University Bulldogs kontra first finalist Katayama Baseball Academy (KBA) Stars sa kampeonato ng Liga Baseball Pilipinas (LBP) Celebrity Cup 2026.

Ang KBA Stars ni Keiji Katayama ang siyang naunang umentra sa finals matapos talunin ang Unicorns 4-2 habang ang Bulldogs ni manager Wopsy Zamora ay nakatadang pumasok sa kampeonato kapag nadispatsa nila ang Wolves sa kanilang semis game na naudlot nitong nakaraang weekend dahil sa biglaang buhos ng ulan kung saan ay lamang ang NU,1-0.

Sa susunod na weekend itutuloy ang nahintong laro ayon kay Zamora.

Kaya sa pag- ganda ng panahon tunghayan ang klasikong bakbakan ng Bulldogs vs Unicorns ...ABANGAN!

*****

DANNY ESPIRITU PUGAY SA GILAS PILIPINAS

WIN or lose ,nananatili ang pagpupugay ni super player manager Danny Espiritu sa ating pambansang koponang Gilas Pilipinas.

Kahit nabigo ang ating mga pambatong Gilas nitong ginaganap na Asian Games sa Nagoya,Japan ay optimistiko pa rin siyang babalikwas sila partikular sa FIBA window kung saan ay makakalaro na ang Kai Sotto- led national team.

Sa mga nakaraang window qualifiers ng Gilas ay dalawang sunod na panalo ang naikasa nila kaya kung nabigo man sa Asiad,reresbak tiyak sila para maatim ang mithiin para sa FIBA World.

Ani Danny Espiritu, always in high spirit ang GILAS'Pinas...MISMO!

***

CHARLIE SUAREZ SA TIMON NI COACH BOHOLST

DESTINY written.Filipino boxing idol Charly Suarez will be the next world champion.

Malapit nang maselyuhan ang pagiging kampeon mundial ni Suarez sa komprehensibong preparasyon nito katuwang si coach/ trainer Delfin Boholst.

Kapag naganap ang dream rematch ni CS at

kung matuloy na ang kontrobersyal na bakbakan nila ni Navarette (nanatili ang belt kay Navarette via scorecard noong unang laban).

Kuwestyunable ang desisyon kaya magkakaroon ng return bout.

Sa timon ni Boholst, nangangamoy world championship na in the near future! All the best Charly Suarez.

****

WORKAHOLIC TCIA HEAD CRISANTO CUEVAS

PARANG kailan lang nang tumakbo bilang pangulo ng TCIA( Tanayans Club in America) pero ngayon ay isa na siya sa pinaka-aktibong lider ng prestihiyosong samahan sa 'Tate.

Dumami ang members at activities na balitado buong America at Pilipinas habang tuon pa rin ang kanyang atensiyon sa Tanay Sikaran teams dito.

TCIA sa America at SIKARAN sa Tanay..Hayahay!

*****

HETO NA ANG NEXIS !

ANG lakas ng dating ng Nexis Multinational Corporation. Sa iglap ay lawig nationwide ang mga satellite offices nito matapos ang mga inisyal na pagpapakilala sa madla partikular sa masa sa pangunguna nina top honchos Dindo Dumayac at Raffy Uba.Kabilang ang Sudokwan ni champ Rene Catalan ang mga naunang nakaramdam ng pakinabang sa Nexis..Sa susunod na Uppercut ay makikilala niyong buo ang Nexis.. ABANGAN!

****

KUDOS KAY PEPE MUNOZ NG BASEBALL

TUNAY na nasa puso ni Jose 'Pepe Munoz ang larangan ng baseball noon magpahanggang ngayon.

Wish ng pangulo ng Liga Baseball Philippines (LBP) na si KaPepe na maging produktibo at respektable ang kampanya ng Philippine men's baseball team na sumasabak ngayon sa Aichi Nagoya Asian Games sa Japan.

It' s a tall order para sa hari ng Southeast Asia dahil matindi ang balakid doon kabilang na ang mga world class na Japan,Korea,Chinese Taipeh at China.

Pero malay natin ,makasilat tayo ng podium finish.Pilipinas..laban lang!

Binabati rin ni Munoz si LBP Chairman Wopsy Zamora sa pagiging matagumpay na torneo ng LBP Celebrity Cup katuwang si Ka Pepe.

Sa kabila ng habagat na nagpatigil pansamantala sa liga.ngayon ay nasa championship round na ang torneo at malamang na maghaharap ang KBA Stars,at alinman sa NU Bulldogs at Unicorns. Hataw LBP!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...