IN GOD WE TRUST

NU-DLSU RIVALRY SA BASEBALL TULOY HANGGANG LBP 2ND SEASON

MATAPOS maitala ang kasaysayang three-peat championship ng National University Bulldogs men’s baseball team sa UAAP ‘88 kontra matalik na karibal na DeLaSalle University Green Batters kamakailan lang,patuloy ang matinding ribalan ng 2 powerhouse teams sa magbubukas na 2nd Season Liga Baseball Philippines (LBP).

SPORTS

Ni Danny Simon

4/25/20261 min read

MATAPOS maitala ang kasaysayang three-peat championship ng National University Bulldogs men’s baseball team sa UAAP ‘88 kontra matalik na karibal na DeLaSalle University Green Batters kamakailan lang, patuloy ang matinding ribalan ng 2 powerhouse teams sa magbubukas na 2nd Season Liga Baseball Philippines (LBP).

Ang LBP ay nakatakdang humataw sa kaagahan ng darating na buwan ng Mayo ay isang prestihiyosong torneo na lalahukan muli ng NU at LaSalle na defending champion at bridesmaid finish ayon sa pagkakasunod.

" Rivalry continues at LBP.Misyon ng ating Bulldogs ang back to back habang matinding hangarin ng La Salle ang maka-resbak. Pero bigating teams din ang mga kalahok sa LBP 2 kaya abangan natin ang matinding bakbakan sa diamond ng LBP sa Mayo", pahayag ni Zamora na siyang Chairman ng LBP. Si Pepe Muñoz ang siyang LBP president habang Secretary- General naman si Boy Tingzon.

Ang taunan nang LBP ay may basbas ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA).

Wopsy Zamora ng NU Bulldogs

Pepe Munoz ng DLSU Green Batters