NUCAA LEADERSHIP IKINASA ANG SEASON 2 NG PREMIERE NA LIGANG PANG - PAARALAN NATIONWIDE

PINANGUNAHAN ni National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Chairman *Carmelo L. Arcilla ang pagkasa ng ikalawang season ng liga na aarangkada sa unang bahagi ng papasok na taong 2024.

SPORTS

Danny Simon

12/20/20232 min read

PINANGUNAHAN ni National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Chairman *Carmelo L. Arcilla ang pagkasa ng ikalawang season ng liga na aarangkada sa unang bahagi ng papasok na taong 2024.

Sinabi ni Arcilla na isang mas komprehensibo pang liga ang matutunghayan ng bayang basketbolista matapos ang matagumpay na unang season (men's, women at juniors) na nagtapos sa Metro Manila na pinamayagpagan ng Philippine College of Criminology (PCCR).

" Huge success ang ating buwenamanong handog ng NUCAA. It's not so perfect but at least alam na natin ang dapat na ma-improve .We will clog the hole for a more systematic and highest level league next season" pahayag ni CAB top honcho Arcilla na eksperto sa pag- organisa ng mga ligang inter- cities and municipalities sa bansa partikular sa kanyang lalawigang Rizal.

NUCAA officers and members with visiting school heads @ Aristocrat last Tuesday in Malate, Manila. (photo by Menchie Salazar)

Thumbs up sina NUCAA Chairman Carmelo Arcilla (ikalawa kaliwa), E.D. Ding Andres (kaliwa), Dep. V.P. Red Dumuk at Dep. E.D. Arlene Rodriguez (kanan) para sa 2nd NUCAA Season.

Katuwang sa NUCAA leadership sina President Solomon B.Padiz, Executive Vice President Romualdo Eduardo Dumuk, Corporate Secretary Atty Joanne Marie Fabella, Executive Director Leonardo B. Andres, Sr., Deputy Executive Director Arlene Fajardo Rodriguez, Treasurer Gene Bang Tumapat, Auditor Ricardo B.Andres, Director Arturo L.Valenzona, Director Arturo Bai Crisobal at Press Relation Officer Dani Simon.

" Ang tagumpay ng ating initial season offering ay naging maugong sa basketball community kung kaya ngayon pa lang ay dagsa na ang mga paaralang nais lumahok sa NUCAA at siyempre nasa pinal na desisyon ng Board kung ilan pa ang ating iya-accomodate.. Welcome sa NUCAA'2", ani Andres.

NUCAA officers from (left to right) Arcilla, Padiz, Dumuk, Fabella, Andres Sr, Rodriguez, Tumapat, Andres, Valenzona, Cristobal and Simon.