NUCAA Season 2 PCCR VS SPCBA-NEU VS MMC SA QC

AARANGKADA ang Ikaapat na gameday doubleheader ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Season 2 ngayon sa bagong tahanan ng liga sa Marilag Gym Project 4, Quezon City.

SPORTS

Danny Simon

3/20/20241 min read

AARANGKADA ang Ikaapat na gameday doubleheader ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Season 2 ngayon sa bagong tahanan ng liga sa Marilag Gym Project 4, Quezon City.

Ayon kay NUCAA Executive Director Leonardo Andres, haharapin ng defending champion Philippine College of Criminology( PCCR) ang San Pedro College of Business Administration (SPCBA) Laguna sa men's basketball division bandang 2pm na susundan ng bakbakang New Era University (NEU) laban sa Metro Manila College (MMC) ganap na 6 pm.

Kapwa palalawigin ng Serpent Eagles at Tropang San Pedro ang kanilang winning run habang magpapasiklaban ang Brigadang Novaliches at Koponang Commonwealth na parehong bagong salta sa liga.

Ang NUCAA -League for a Change ay nasa timon ni Chairman Carmelo Arcilla katuwang sina Pres.Solomon Padiz,EVP Red Dumuk,E.D. Ding Andres, Deputy E.D. Arlene Rodriguez, Corporate Secretary Atty. Joanne Marie Fabella,Treas., Gene Bang Tumapat, Auditor Ric Andres at Directors Bai Cristobal at Turo Valenzona.

Inaasahan ang full force na suporta ng mga estudyante ng bawat paaralan na dadagsa sa bagong gawang basketball gym sa Marilag Proj. 4, QC.

NUCAA BIGWIGS