NYBL SA TOPS USAPAN
ISA pang liga na huhubog sa galing at talento ng mga batang basketbolista ang ilulunsad sa pangangasiwa ng National Youth Basketball League (NYBL).
SPORTS
Enjel Manato
7/3/20241 min read


ISA pang liga na huhubog sa galing at talento ng mga batang basketbolista ang ilulunsad sa pangangasiwa ng National Youth Basketball League (NYBL).
Tinaguriang NYBL Philippines 1.0 Edition Invitational Youth Basketball, lalarga ang liga sa Hulyo 10 at sentro ng talakayan ang liga sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Hulyo 4) sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Pangungunahan ni NYBL president Fernando Arimado ang mga opisyal ng liga sa programa ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Speedo.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro, opisyal at sports aficionados na makiisa sa talakayan na mapapanood via live streaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page, Bulgar Sports FB page and sa Channel 8 ng Ascent network.
PIA ATO
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato