IN GOD WE TRUST
Oberio, Bernardino, Talaboc ng Quezon City angat kontra Isabela sa PCAP
Nagbigay ng matinding lakas at ambag sina National Master Aglipay Oberio, National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., at Freddie Talaboc upang itulak ang pangkat ng IIEE-PSME-Quezon City Simba's Tribe sa tagumpay na may iskor na 12–9 laban sa Isabela Knights of Alexander na pinamumunuan naman ni National Master Gerardo Cabellon.
SPORTS
5/12/20262 min read


Nagbigay ng matinding lakas at ambag sina National Master Aglipay Oberio, National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., at Freddie Talaboc upang itulak ang pangkat ng IIEE-PSME-Quezon City Simba's Tribe sa tagumpay na may iskor na 12–9 laban sa Isabela Knights of Alexander na pinamumunuan naman ni National Master Gerardo Cabellon.
Ang labang ito ay bahagi ng paligsahan sa online na ahedres ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), na isinagawa sa pamamagitan ng platapormang Chess.com noong Lunes ng gabi, Mayo 11, 2026.
Walang iniwang pagkakataon si Oberio kay Servillano Obana Jr. at tinalo ito sa parehong bahagi ng blitz at rapid. Ganoon din ang ginawa ni Bernardino na tinalo si Lordwin Espiritu, at ni Talaboc na nanaig laban kay Marvin Phua. Dahil sa kanilang mga nagawa, nakisalo ang Simba's Tribe sa ikapitong at ikawalong pwesto sa Northern Conference na may talaang 7 panalo at 11 pagkatalo, parehas na naitalang iskor ng Isabela (7-11).
Nakatulong din sa tagumpay ng Quezon City sina Woman National Master Rusela Joya-Magsino at Leonardo Navarro.
Nanaig si Joya laban kay Diana Banawa sa blitz, ngunit natalo naman sa rapid portion.
Tinalo naman ni Navarro si Francisco Cabe Jr. sa blitz, ngunit nagtapos ang kanilang laban sa tabla sa rapid.
Sa panig naman ng Isabela, pinamunuan ito ni Cabellon kung saan tinalo niya si Jamie Hizon sa blitz, at sunod ay nanaig din laban kay National Master Gerald Ferriol sa rapid.
Nagpakita rin ng mahusay na paglalaro si Anwar Cabugatan para sa Isabela matapos niyang talunin si Francis Talaboc sa parehong bahagi ng blitz at rapid.
Nanguna ang Quezon City laban sa Isabela sa blitz game na may iskor na 5–2, ngunit nagtabla ang laban sa rapid portion na may parehong iskor na 7–7.
Nagbahagi ng kanyang pahayag si Team Manager Engr. Allan Anthony Alvarez tungkol sa ipinakitang husay ng kanyang mga manlalaro.
"A big shout-out to IIEE-PSME- Quezon City Simba's Tribe for an incredible performance against Isabela Knights of Alexander.
It is great to see all their hard work result in such a big win. Way to go to IIEE-PSME-Quezon City Simba's Tribe," sabi ni Engr. Alvarez, na dating Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) National Past President.
Ang paligsahan ay inorganisa ng PCAP, sa pamumuno ni President/Commissioner Atty. Paul Elauria at Chairman Michael Angelo Ong Chua, at sanctioned ng Games and amusements Board (GAB), sa gabay ni Chairman Atty. Francisco J. Rivera.-Marlon Bernardino-
From left to right NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr., Games and Amusement Board (GAB) Chairman Atty. Francisco J. Rivera, 2021 IIEE National Past President Engr. Allan Anthony Alvarez and Dioniver "Bobot" Medrano. DS
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
