Oldest chess player ng Marikina kikig pa sa rapid tourney ngayon
PATUTUNAYANG may isusulong pa sa paglalaro Ng chess si Domingo Santos na kilala rin bilang Tatay Domeng, 97 taong gulang, pinakamatandang chess player Ng Marikina sa tinampukang "March to Remember Rapid Chess Tournament" na gaganapin sa Marso 8, 2025 sa QGym, Concepcion Dos, Marikina City.
SPORTS
Danny Simon
3/8/20251 min read


PATUTUNAYANG may isusulong pa sa paglalaro Ng chess si Domingo Santos na kilala rin bilang Tatay Domeng, 97 taong gulang, pinakamatandang chess player Ng Marikina sa tinampukang "March to Remember Rapid Chess Tournament" na gaganapin sa Marso 8, 2025 sa QGym, Concepcion Dos, Marikina City.
Masisilayan din sina Woman National Master (WNM) Antonella Berthe "Tonelle" Racasa, April Joy Ramos at Adrian Alarcon kasama sina Kyz Llantada, Noel Geronimo, Tristan Jared Cervero, Sol Tiamzon, Edwin Tendecia, Michael Angelo Angeles, Clord Bragais at Carl Jaedrianne Ancheta.
Si Senador Koko Pimetel ay naimbitahan bilang isang espesyal na panauhin sa pagbubukas ng seremonya kasama sina Rep. Miro Quimbo at Rep. Stella Quimbo.
Ang torneo na eksklusibo para sa Marikina Residents ay magkakaroon ng time control na 15 minutes plus 2 seconds increment sa 1-day affair na ito na inorganisa ng Marikina Chess Association na pinamumunuan ni sportsman Johnny "Joel" Gaudia.
" It will be a great inspiration to all of us with
the participation of Tatay Domeng (Domingo Santos), Marikina's oldest chess player," sabi ni Joel Gaudia.
Ang magkakampeon ay magbubulsa ng P7,000, ang runner-up ay mag-uuwi ng P5,000,
ang ikatlo at ikaapat na puwesto ay makakakuha ng P3,000 at P2,000, habang ang ikalima hanggang ikaanim na puwesto ay makakakuha ng tig-P1,000.
Ang 8th hanggang 20th placers ay tatanggap ng tig-P500 habang ang 21st hanggang 50th placers ay kikita ng 1 sako ng 5 kilong bigas bawat isa.
Magkakaroon ng mga espesyal na premyo para sa top 3 Under 14 performers, Top U-12 at Top Under-10; Top Senior (60 years old and above), Top PWD, Top Lady, Youngest Player at Oldest Player.
Mula kaliwa si Anjo Dela Cruz at si Domingo Santos o mas kilalang Tatay Domeng, 97 taong gulang, pinaka matandang chess player sa Marikina.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato