Olympian Weightlifter Vanessa Sarno ng Pilipinas, pinatawan ng 2-year ban ng ITA
HINDI na muna bubuhat para sa Pambansang Koponan ang Paris Olympic Weightlifter na si Vanessa Sarno matapos na patawan ng dalawang taon na ban ng International Testing Agency (ITA) dahil sa isang anti-doping violation.
SPORTS
Daryl Oclares
8/27/20251 min read


HINDI na muna bubuhat para sa Pambansang Koponan ang Paris Olympic Weightlifter na si Vanessa Sarno matapos na patawan ng dalawang taon na ban ng International Testing Agency (ITA) dahil sa isang anti-doping violation.
Ayon sa inilabas na pahayag ng ITA, tatlong whereabout failures sa loob ng 12-month period ang naging dahilan ng ban ng Asian Games Gold Medalist at Two-time Southeast Asian (SEA) Games Gold medalists na si Sarno.
“Vanessa Sarno committed three whereabouts failures within a 12-month period. The athlete did not challenge the ADRV and agreed with the consequences proposed by the ITA. Accordingly, the case was resolved via an acceptance of consequences.”, ani ng ITA
Depensa naman ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella, hindi drug test failure kundi ang hindi pag-report ng international athlete tulad ni Sarno sa ITA kanyang mga ‘whereabouts” o lugar na pinupuntahan ang nag-udyok sa anti-doping agency na suspindihin ang 21-year-old weightlifter.
Dagdag pa ni Puentevella, personal reasons ang naging hadlang kay Sarno kaya hindi siya nakasunod sa pamantayan ng ITA.
Dahil sa dalawang taon na diskwalipikasyon na tatakbo mula August 4, 2025, hanggang sa August 3, 2027, hindi makakalaro si Sarno sa ilang mga 2028 Los Angeles Olympic Qualifying events, 2025 Southeast Asian Games, 2026 Asian Games, at sa 2026 Asian Weightlifting Championships.
Matatandaan na huling nasilayan si Sarno bitbit ang ating national colors nito lamang 2024 Paris Olympics kung saan nakapagtala siya ng “Did Not Finish” o DNF matapos na bigong mabuhat ang 100 kg sa snatch ng Women’s 71kg event.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato