IN GOD WE TRUST
One Witness, Nine Hours and Millions of Pesos expenses
Pagkatapos ng dalawang araw na paglilitis na pumalo ng siyam na oras ay natapos na rin ang unang testigo ng prosecution.
OPINION
Atty. Ariel Inton
7/9/20261 min read


Pagkatapos ng dalawang araw na paglilitis na pumalo ng siyam na oras ay natapos na rin ang unang testigo ng prosecution. At ang na prove ng prosecution ay may video, nagsasalita si VP Sara at ito ay na upload sa facebook. Sa tingin ko ay wala namang issue sa mga yan. Ang issue lang ay yun sinabi ba ni VP Sara amounts to " high crimes" and therefore impeachable offense. Malalaman natin kung ano ang magiging testimony ng mga susunod na testigo upang " mapalakas" ng prosecution ang kanilang kaso.
Kung tatanungin natin ang magkabilang panig ay sasabihin nila na kung baga sa tennis- amin ang first set. Pero wala naman nananalo kung first set pa lang natatapos.
Pero ang gastos ng taongbayan kada pandinig ay tuloy tuloy. Kapansinpansin kasi na ang daming Manifestation at Preliminary Statements. Sa mga Objections mas mahaba ang paliwanag kaysa pagsabi lamang ng basehan ng Objections. Sa totoo lang hindi ebidensya ang MANIFESTATIONS at hindi puntos ang OBJECTIONS. Pag na control ng presiding officer ang dami ng Manifestations at Objections ay malaking tipid ng oras para sa impeachment court at pera ng bayan.
Pero iba kasi ang impeachment trial sa ordinaryong trial sa husgado. Televised ito at libolibong pilipino ang nanunuod. May kanikanilang opinyon at bash sa mga abogado. Mahuhusay ang mga abogado ng magkabilang panig. Pero dahil highly politicized ang trial ay kanyakanyang kampihan.
Malalaman natin sa mga susunod na pandinig kung bibilis ang paglilitis. Pero kung hindi baka lumampas pa sa pitong buwan ang trial at mas lalaki pa ang gastos ng taongbayan. Lahat ito dahil sa kagustuhan ng ilan na hindi makatakbo kailanman ang bise presidente.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
