Online Casino Scammers On The Loose?...PAGING PAGCOŔ!
MAY ipinarating sa korner na ito ang isa sa ating suki ng PFT / GN para sa mga gaming enthusiast dito o sa abroad man.
OPINION
DANNY SIMON
1/7/20251 min read


MAY ipinarating sa korner na ito ang isa sa ating suki ng PFT / GN para sa mga gaming enthusiast dito o sa abroad man.
Ayon sa isa nang eksperto sa larangan na si European Gaming Consultant G. Kim Zafra,
meron mga online casino website na may lehitimong lisensya ng PAGCOR ang namimihasang nanggugulang ng suddenly off-guard na mananaya.
“Pag nanalo ka ng malaki namemeligrong hindi ka mabayaran”, ani Kim.
Ito ay base aniya sa kanyang kanyang personal na eksperyensiya sa paglalaro sa site ng isang gaming firm.. Bukod aniya sa kanya ay marami pang kasalukuyang nagrereklamo at natakbuhan ng kanilang waging salapi. "Maging maingat po tayo sa pagpili ng ating lalaruan at sana po ay maķarating ito sa atensiyon ni PAGCOR Chairman Alejandro H. Tengco." panawagan ni Zafra sa kinauukulan.
Mismong ang isang gaming expert tulad ni G. Zafra ay nabudol ng lisensiyado nang betting firm, paano pa kaya ang ibang nabibiktima ng malpractice na ito na kumakaladkad pa sa prestihiyo ng government- run Philippine Amusement & Gaming Corporation (PAGCOR). Hindi papayag o kukunsintihin ni Chair Tengco ang ganyang malpractice at panggugulang ng kanilang nililisensyahang gaming firms.
Kailangan magpaliwanag dito ang isang firm na S5. com. under umano ng Glowlight Corporation at PAGCÒR licenced Online Casinò Philippines, na ayon kay Kim ay doon siya dumanas ng mistulang robbery in broad daylight kaugnay nang di na niya mabawing panalo at puhunan at deactivated pa ang account ng walang kalaban- laban,paging PAGCOR...
ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato