OQT: MATAMIS NA TALO NG GILAS PILIPINAS
SA unang pag kakataon ay nakitang ngumiti si GILAS Pilipinas head coach Tim Cone.
SPORTS
Danny Simon
7/6/20241 min read


SA unang pag kakataon ay nakitang ggumiti si GILAS Pilipinas head coach Tim Cone.
Tinalo ng Georgia ang Pilipinas 92-90 sa kanilang quarterfinal match group stage pero ang panalo ng Georgia ay di sapat upang agawin ang slot sa semifinals ng Olympics Qualifying Tournament sa Riga, Latvia kamakalawa ng gabi.
Nauna dito ay ginulat ng GILAS Pilipinas ang mundo matapos na padapain ang numero 6 sa daigdig na Latvia, 89-90 upang umangat sa quarters ang mga Pinoy habang ang Georgia na #23 ay tinambakan ng host nation Latvian ang Georgia upang mapunta ang bentahe sa Pilipinas sa quotient system na kailangang talunin nito ang GILAS ng 19 puntos upang masaklit ang ticket para sa semifinals ng kauna-unahan para sa Pilipinas matapos ang 60 taong kalahok ang bansa sa OQT ng FIBA.
"It's the first time I felt good about losing" pahayag ng winningest coach sa PBA (25 championships), Asian Games basketball champion coach na si Cone na misyon ding talunin ang Brazil sa semifinals sa Sabado ng gabi sa Maynila.
Credit: Box Score PH
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato