IN GOD WE TRUST

OVERCHARGING AT UNDERCHARGING SA PUBLIC TRANSPORT

Ayon sa Joint Administrative Order 2014- 01 ay FRANCHISE VIOLATION pareho ang OVERCHARGING ( mas mataas na pasahe sa itinakda ng LTFRB) at UNDERCHARGING (mas mababa na pasahe sa itinakda ng LTFRB).

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

11/11/20261 min read

Ayon sa Joint Administrative Order 2014- 01 ay FRANCHISE VIOLATION pareho ang OVERCHARGING (mas mataas na pasahe sa itinakda ng LTFRB) at UNDERCHARGING (mas mababa na pasahe sa itinakda ng LTFRB).

Karaniwang reklamo ng pasahero ay mas mataas na pasahe. At wala naman magrereklamo kung mas mababa naman. Maaring magreklamo ng undercharging ay ka kumpetesya sa ruta. At pareho rin ang multa: first offense 5000 pesos, second offense 10,000 pesos plus impoundment ng sasakyan, third offense 15,000 pesos plus revocation ng Franchise.

May due process naman binibigay ang LTFRB para marinig ang panig ng operator kaya nag iisue ng SHOW CAUSE ORDER.

Bakit parehong violation?

Distortion ng FARE Matrix, unfair market competition, predatory pricing at iba pang epekto.

Paano naman ang mga PROMO FARES. Hindi kinokonsidera ito ng undercharging kung bahagi ito ng marketing strategy sa mga OFF PEAK- LOW DEMAND SEASON halimbawa.

Highly regulated ang pasahe sa public transport. Mahigpit na pinatutupad din ang pag bibigay ng mga senior citizen, student at PWD discounts.

Paano naman ang mga naglilibreng sakay? Halimbawa ang mga LGUS. Ito ay pinahihintulutan ng LTFRB bastat hindi nakakaapekto sa mga may franchise na namamasada sa rutang may libre. O di kaya kapag may pangangailangan sa panahong paralisado ang pasada dulot ng strike o iba pa.

May mga ibang diskarte rin tulad ng cutting trip o ulo ulong tinatawag para ma maximize ang kita. O kaya pagdagdag ng upuan lampas na sa seating capacity ng sasakyan.

Kaya mahalagang tinututukan ng DOTR at LTFRB ang pasahe para maging PATAS sa driver, operator, pasahero ang pagpapatupad nito.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here