P2 M Bata Reyes 10 Ball Open.. CORTEZA NG DAVAO NANGIBABAW VS BIADO

DINOMINA ni Lee Vann Corteza ang kanyang mga karibal upang umabante sa round-of-32 sa Efren "Bata" Reyes Yalin 10-Ball Championships sa Pacman's Cue Club, Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City noong Huwebes, Agosto 28, 2025.

SPORTS

Ni Danny Simon

8/29/20251 min read

DINOMINA ni Lee Vann Corteza ang kanyang mga karibal upang umabante sa round-of-32 sa Efren "Bata" Reyes Yalin 10-Ball Championships sa Pacman's Cue Club, Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City noong Huwebes, Agosto 28, 2025.

Dinaig ni Corteza, isang six-time Southeast Asian Games gold medalist, sina Lauro Bongay (9-2), World Champion Carlo Biado (9-3), at James Aranas (9-5). Ang 46-taong gulang na residente ng Cainta, Rizal, na nagmula sa Davao City ay pumasok sa Round of 32.

"Pahirapan na laban lalo kina Lauron (Bongay), Carlo (Biado) at James (Aranas)," sabi ni Corteza, na kilala bilang "The Slayer" sa mundo ng pool.

Kasama ring umabante sa event na suportado ni Senator Manny Pacquiao at inorganisa ni International Billiards and Snooker Champion Kap. Marlon Manalo ay sina Jesson Marabi, Baseth Mocaibat at Raymond Faraon.

Ginapi ni Marabi sina Marc Andraine Santos (9-7), Jomar Aribas (9-5), at Mario Tolentino (9-6); nakaungos si Mocaibat kina Aivhan Maluto (9-8), Horace Angor (9-1), Zyrus Obello (9-7), at Val Jason Porras (9-6), habang panalo si Faraon kina Jun Bansil (9-4), Romeo Silvano (9-7), at Patrick Gonzales (9-6).

Ang iba pang mga cue masters na nakapasok sa knockout stage ay sina Roland Garcia, Jerson Cumayas, Ronato Alcano at Arnel Bautista.

Pinasuko ni Garcia sina Ann Magdalene Jose (9-0), Augusto Hiyas (9-4) at John Vincent Vicedo (9-6); pinayuko ni Cumayas sina Rommel Marmon (9-8), Jed de Castro (9-5) at Harry Vergarra (9-7); pinadapa naman ni Alcano sina Prince Dizon (9-6), Marvin Estilong (9-4); at Demosthenes Pulpul (9-6),dinaig ni Bautista sina Jovanne Edurece (9-7), Poncho Manurung (9-5), at Johann Chua (9-7).

Ang nakataya ay kabuuang premyong P2 million kung saan ang magkakampeon ay tatanggap ng P1 million.

Corteza