IN GOD WE TRUST

Pacman Chess Philippines: WCM Nika Juris Nicolas palaban

Muling masisilayan si Woman Candidate Master Nika Juris Nicolas sa pagtulak ng pinaka aabangan na Manny Pacquiao Chess Philippines Individual Open Rapid Chess Tournament (FIDE rating) na gaganapin ngayong Linggo, Pebrero 1, 2026,ganap na alas 10 ng umaga sa Pavilion Mall, Greenfield District, tabi ng istasyon ng MRT Shaw Boulevard, sa sulok ng EDSA, Lungsod ng Mandaluyong.

SPORTS

1/31/20261 min read

Ang 13 anyos pambato mula Lungsod Pasig ay sariwa pa sa 6th place finish sa Mariendan Open 2026 Blitz Tournament 24th International Chess Festival na ginanap sa Continental Hotel, Marianske Lazne sa Czech Republic nitong nagdaang Linggo.

Ang palaro ng rapid chess na may FIDE rating, na inaprubahan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Games and Amusement Board (GAB), ay bukas sa lahat ng manlalaro, anuman ang kasarian at edad.

Ang kampeon ay makakakuha ng ₱10,000, habang ang nasa ika-2 at ika-3 puwesto ay makatatanggap ng ₱7,000 at ₱5,000 ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang mga nasa ika-4 hanggang ika-7 puwesto ay makakakuha ng ₱3,500, ₱1,500, ₱800, at ₱700, habang ang mga nasa ika-8 hanggang ika-10 puwesto ay bawat isa ay makatatanggap ng ₱500.

Mayroon din mga gantimpala sa pera para sa nangungunang manlalaro sa mga kategorya: Baba sa U-2000, Baba sa U-1950, Baba sa U-1900, Baba sa U-1850, 50 hanggang 64 taong gulang, Mahigit sa 65 taong gulang, PWD at Babae.

Sinuportahan ng dating Senador Manny Pacquiao at Jun Lasco, ang palaro ay inorganisa nina John Salcedo at Jonas Silvano. Ang bayad sa pagpaparehistro ay ₱500. Ipadala ang pagbabayad sa numero ng GCash na 09090619298 (kay John Salcedo).

Ang iba pang paboritong kalahok ay sina IM Eric Labog Jr., AGM Marc Kevin Labog, FM Christian Mark Daluz, CM Jan Clifford Labog at NM Phil Martin Casiguran.—DAS