PACMAN CUE CLUB TULONG -ASENSO NG BILLIARDS PARA SA BANSA-CHAMP MARLON MANALO
TUNAY na napapanahon ang pagkatatag ng Pacman Cue Club na naglalayong makatulong sa pag-asenso ng larangan ng billiards sa bansa.
SPORTS
Ni Danny Simon
9/1/20251 min read


TUNAY na napapanahon ang pagkatatag ng Pacman Cue Club na naglalayong makatulong sa pag-asenso ng larangan ng billiards sa bansa.
Ayon kay inteŕnational medalist ng billiards at snooker icon Kap. Marlon 'Marvelous Manalo,isang napakalakas na sargo ang itinumbok ni Pambansa Kamao 8-world division boxing champion at billiards enthusiast Manny 'Pacman Pacquiao upang magkaroon pa ng tamang venue para sa upcoming,bagito at beterano na mapagdarausan ng kanilang ensayo at aktwal na kumpetisyon na di na kailangang dumayo pa sa ibayong dagat para maiangat ang antas ng ķanilang performance basta miyembro ng Pacman Cue Club.
"Timing ang pagkatatag ng Pacman Cue Club.Ang daming matutulungan at madidiskubreng potensyal na manlalaro na magiging tiririt o giya na hanapin ang direksyon tungo sa tagumpay,"wika ni Asian / SEAGames multi- medalist Manalo na naging longterm kapitan ng Bgy.Malamig at ABC head sa Mandaluyong City.
Nabuķsan ang Pacman Cue Club kasabay ng pagdaraos ng EBR Yalin 10- Ball Open( pa-torneo para kay billiards GOAT / legend Bata Reyes) Championship sa Worldwide Corporate Center sa Shaw Blvd.Mandaluyong City nitong nakaraang linggo lamang.
" Maraming salamat kay Senator Manny Pacquiao sa kanyang tulong sa larangan ng billiards,"ani pa Kap. Manalo.
Ceremonial break nina billiards living legend Efren 'Bata Reyes at Marlon 'Marvelous Manalo sa opening ng EBR Yalin 10-ball Championship sa Pacman Cue Club, WCC sa Mandaluyong City.(Abby Pamplona)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato