PACMAN MAY MISYON PA SA PARIS OLYMPICS 2024

MAY isa pang misyon na dapat tuparin si Filipino boxing icon Manny Pacquiao Bagama't retirado na sa prizefighting at pumokus sa pagiging Senador ng bansa, ang 8- division world boxing champion Filipino icon Pacquiao ay hangad nitong bumalik sa ring bilang miyembro ng national boxing team na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

SPORTS

Enjel Manato

10/24/20231 min read

MAY isa pang misyon na dapat tuparin si Filipino boxing icon Manny Pacquiao

Bagama't retirado na sa prizefighting at pumokus sa pagiging Senador ng bansa, ang 8- division world boxing champion Filipino icon Pacquiao ay hangad nitong bumalik sa ring bilang miyembro ng national boxing team na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa International Olympic Committee, may regulasyon para sa mga atleta ng best sports show on earth ay nasa edad 40 - pababa lamang.

Pero sa apela ng Phlippine Olympic Committee sa pangunguna ni POC president Bambol Tolentino, nirekonsidera ang 44- anyos nang kampeon na si Pacman kaya maaari na niyang katawanin ang bansa sa boxing event ng Paris Olympics 2024.

Kung sasang-ayon ang kapalaran, ang posibleng gold medal sa Olympic boxing ni Manny Pacquiao ay magtatala ng pinaka- malaking tagumpay sa kasaysayan ng Olimpiyada sa lahat ng panahon.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao